Kapag sumasapit ang Bisperas ng Bagong Taon, ang lahat ng Pinoy ay abala sa paghahanda. Kanya-kanyang bili at pag-aasikaso sa mga kung anu-anong ihahanda para sa Medyanotse. Kahit na walang-wala at kapos sa pera ay kailangang may maihain sa mesa bago pumatak ag alas-dose ng hatinggabi para salubungin ang panibagong pag-asa. Mga prutas na bilog, keso de bola, at hamonado. Sana ay maging masagana ang pagpasok.
Kasama na sa tradisyon nating ito ang paghahanda rin ng mga pampaingay na gagamitin sa pagsalubong ng New Year. Sabi ng mga matatanda, ang malas ay hindi papasok sa inyong tahanan kapag hinarangan mo ito ng maingay na maingay na tunog bago pumatak ang hatinggabi. Takot daw ang mga bad vibrations dito. Noong ako ay bata, natatandaan ko ang pamimili namin sa palengke nila ermat at utol ng mga torotot na gawa sa mga negative ng bomba films - ito ang ginagamit namin upang i-welcome ang dapat salubungin. Kinakalampag din namin ang mga kaserola at mga palangganang gawa sa aluminum. Ang saya-saya namin kahit na nababasag ang aming mga eardrums sa lakas ng tunog!
4
comments