Ang isang mag-anak ay parang hindi kumpleto kung walang alagang hayop sa bahay. Isa 'yan sa mga itinuro noong tayo ay nasa pre-school at elementary - kailangang merong "Muning" o "Bantay".
Bata pa lang ako ay mahilig na akong mag-alaga ng aso. Nasa grade one ako nang simulan akong bigyan ng mga tito ng mga tutang palalakihin. Noong una ay nagtataka ako kung bakit kapag medyo malaki na ang mga inalagaan kong tuta ay bigla silang nawawala. Sinasabihan lang ako ng mga matatanda na "...na-dognap 'yung aso mo". Wala na akong magawa kundi umiyak sa simula at pilit silang kalimutan. Hanggang sa isang araw pagkagaling sa eskuwela ay naabutan ko ang tito ko kasama ang kanyang mga sunog-bagang barkada na itinali sa poste ang pinaalagaang aso sa akin. Kitang-kita ko kung paano nila hinataw ng baseball bat ang aso kong mataba hanggang sa ito ay mawalan ng buhay. Kalderetang aw-aw ang trip nilang pulutan sa panulak nilang Ginebra. Kaya pala galit na galit na tinatahulan sila ng mga aso sa lugar namin. Sabi kasi nila ay naaamoy ng mga aso ang mga taong kumakain ng aso.
May iba't ibang lahi ng aso. May maliit, may malaki. May pangit, may maganda. May mabalahibo, may parang nakakalbo. Ilan sa mga sikat na dog breed ay ang Chihuahua, German Shepherd, Labrador, Greyhound, Rottweiler, Dalmatian, at ang BULLSHIT na cross-breed ng Bulldog at Shih Tzu. Hindi namin binalak na mag-alaga ng mga mamahaling aso dahil mas mahal pa ang pagkain nila sa kinakain ng tao. Kaya nga ang baho ng kanilang tae at ihi. Hindi rin kasi sila magkakasya sa loob ng bahay namin kaya ang tanging mga naalagaan namin ay panay lahing Younghusband. May lahing taga-Antipolo, taga-Crame, at taga-Tarlac. In short, askals.
Ang mga aso ay parang mga katulad din natin. Minsan nga ay mas asal-tao pa sila kaysa sa mga asal ng mga walang-modong nilalang na nagpapasikip sa mundo. Para matawag natin sila ng maayos ay binibigyan din natin sila ng mga pangalan. Ilan sa mga bitches na inalagaan ko noon ay sila Tetchie, Sarsi, at Pepsi na may mga pangalang galing sa bomba stars ng eighties. Kadalasan ay kinukuha ng mga may-ari ang mga pangalan galing sa mga sikat na celebrities kaya sigurado ako ngayon na maraming aso ang may pangalang Pacquiao, Noynoy, at Supsup. Napansin niyo ba na kadalasan ay one or two syllables lang ang mga pangalan ng aso? Hindi ko alam kung bakit pero siguro ay mas madali itong natatandaan ng mga alaga natin. 'Yung iba naman, ibinabase ang pangalan ng aso sa kulay ng balahibo. Nagkaroon ako ng asong may itim na itim na balahibo kaya tinawag ko siyang Whitey. May mga aso namang nabiyayaan ng mga kakaibang pangalan - may aso kaming ang pangalan ay Ewan Ko at Lacoosalacoopagoop (Koosie for short).
Ang mga aso ay parang mga katulad din natin. Minsan nga ay mas asal-tao pa sila kaysa sa mga asal ng mga walang-modong nilalang na nagpapasikip sa mundo. Para matawag natin sila ng maayos ay binibigyan din natin sila ng mga pangalan. Ilan sa mga bitches na inalagaan ko noon ay sila Tetchie, Sarsi, at Pepsi na may mga pangalang galing sa bomba stars ng eighties. Kadalasan ay kinukuha ng mga may-ari ang mga pangalan galing sa mga sikat na celebrities kaya sigurado ako ngayon na maraming aso ang may pangalang Pacquiao, Noynoy, at Supsup. Napansin niyo ba na kadalasan ay one or two syllables lang ang mga pangalan ng aso? Hindi ko alam kung bakit pero siguro ay mas madali itong natatandaan ng mga alaga natin. 'Yung iba naman, ibinabase ang pangalan ng aso sa kulay ng balahibo. Nagkaroon ako ng asong may itim na itim na balahibo kaya tinawag ko siyang Whitey. May mga aso namang nabiyayaan ng mga kakaibang pangalan - may aso kaming ang pangalan ay Ewan Ko at Lacoosalacoopagoop (Koosie for short).
Ang ugali at talento ng mga aso ay "namamana" nila sa pagpapalaki ng kanilang mga amo. Kadalasan, ang mga matatapang na aso at ang mga tahol ng tahol kahit hindi naman dapat tumahol ay ang mga itinatali at ikinukulong sa mga dog houses. Hindi ko maintindihan ang ganitong sitwasyon dahil bakit ka mag-aalaga ng aso kung ayaw mo namang himas-himasin ang alaga mo at isama sa loob ng bahay? Ang pag aalaga ng aso ay parang linya sa Spider-Man - "With great power comes great responsibilities". Kung mag-aalaga ka ng aso, dapat alam mo ang responsibilidad mo at hindi 'yung basta ikukulong mo lang at papakainin ang mga kawawang hayop. Kaya kami, lahat ng aso namin ay masayahin, masunurin, at napakabait. Pinuno kasi namin ng pagmamahal ang mga pets namin kaya parang tao rin silang umasal. Marunong silang maglambing at makipaglaro. Maraming alam na tricks, kulang na nga lang ay matuto silang magsalita para sabihan kami ng "I love you". Sabi nila, kung gusto mong maging maamo ang isang aso, painumin mo ito ng laway mo. Taena, lahat ng tutang nagdaan sa amin ay nakainom ng laway naming magkakapatid at magpipinsan!
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay matino ang mga asong makakasama niyo kahit na sa tingin mo ay tama ang iyong pagpapalaki. Nagkaroon rin kami ng mga asong-ulol, literally speaking. Masasabi kong may sayad ang naging aso namin na kinakagat ang mga daliri namin kapag nakikita kaming tulog. Meron naman kaming isang aso na basurero. Potah, tuwing umaga ay hinahanap namin ang kapares ng aming mga sapatos at makikita ito sa labas ng bahay. Hindi namin alm kung ao ang nasa isip ng aso namin dahil palagi niyang pinapalitan ng isang klase ng basura ang kapares ng mga sapatos namin.
Kahit na ilang beses na kaming nakagat ng aso ay mahilig pa rin kaming mag-alaga nito. Ano ba naman ang pahid ng bawang at turok sa puwet kontra sa rabies?
Ang hindi ko makakalimutang aso namin ay si Pootchie. Mga 10 years din namin siyang nakasama. Kesyo apat kaming magkakapatid na barako, itinuring namin siyang kapatid na babae. Katabi namin siyang matulog. Araw-araw pinapaliguan. Pinapakain ng kung ano rin ang kinakain namin. Kasama sa mga outings. Ipinagdiriwang ang birthday tuwing November 4. Noong mamatay siya dahil sa katandaan, iniakan siya at ipinagluksa g aming pamilya. Sigurado ako, ang lahat ng mahihilig sa aso ay may ganito ring karanasan.
Noong ako ay bata pa, may alaga akong asong mataba. Ayon sa pagsasaliksik, ang mga taong mahilig mag-alaga ng aso ay ang mga taong malabong pisikal na manakit ng kapwa nila tao.
October 1, 2011 at 9:51 AM
Very nice post! I am a certified dog lover, kaya nga kahit Technology and Gadgets ang niche ng blog ko, meron din akong Category for Dogs/Animal Care. I don't have any respect for those people who eat dogs, lalo na sa mga patay gutom na may pambili ng alak pero walang pamulutan. Or even, for those people who are cruel to animals. Madami namang pwedeng ulamin at kainin, bakit aso pa? I was a dog breeder myself, and, I don't just sell pups to anybody. I make sure that I do background check at inaalam ko kung saan nila ilalagay yung aso. Hindi basta, basta ang pag aalaga ng aso, lalo na kung trip trip lang or gusto lang subukan, wag nalang mag alaga... Madalas, kahit sa mga kapitbahay, awang awa ako sa mga aso, gutom na gutom at yung kadena nila na nasa leeg, sobrang ikli, nakaupo lang sila 24/7 kahit natutulog. Kaya kailangang kausapin ko pa at sabihan. I buy a bag full of bread on my restdays, pinapakain ko lang sa mga stray dogs. Kaya nagtataka yung mga kapitbahay namin, kasi mas excited pa yung mga aso nila na makita ako, kaysa sa kanila. I know how to treat dogs, kasi bata palang ako nagaalaga na talaga kami ng aso. We treat them as family members, not just pets. Tama ka, minsan ay mas asal tao pa ang mga aso, kaysa sa mga demonyo na kasama natin dito sa mundo, na nagpapasikip at nagpapagulo lang ng mundo... Thank you for sharing! =)
January 5, 2022 at 9:50 AM
terima kasih yo gaes..