Sabi nila, minsan lang tayo daraan sa pagiging bata.
Ang lahat ng mga panahong iyon kahit na may mga pagkakataong hindi masaya ay masayang balik-balikan. Nakaukit ang mga matatamis na alaala at ito'y mahirap burahin.
Ngayong may edad ka na at may sariling responsibilidad na dapat gampanan, minsan ay sumasagi sa iyong isipan na dati, ang problema mo lang sa buhay ay ang paglalaro sa labas ng bahay kasama ang iyong mga kaibigan. Ngayong alam mo na ang tama at mali, minsan ay naiisip mong sana ay nanatili ka nalang inosente.
Sa tuwing napapahinto ka at naaalala ang nakaraan, bigla mong nasasabi sa iyong sarili ang "ang sarap talaga maging bata".