...Gusto Kong Tumalino

Noong ako ay bata pang nag-aaral sa Mababang Paaralan ng Kampo Crame, madalas akong matanong ng mga guro ko tungkol sa isang kamag-anak kapag nababasa o nalalaman nila ang apelyido ko.

"Kaano-ano mo si Veronica Quitiquit?", tanong ni Mrs. Rabago na maestra namin sa Arithmetic.

"Are you related to Ms. Veronica Quitiquit?", tanong ni Mrs. Albarracin na teacher namin sa English.

"Mr. Quitiquit, kaano-ano mo si Veronica?", tanong naman ni Gng. Nailes na guro namin sa Pilipino.

"Kapatid mo ba si Veronica?", tanong ni Mrs. Omictin na teacher namin sa Science.

"Quitiquit, ano ang kaugnayan mo kay Veronica?", tanong ni Ms. Gisala na matandang-dalagang teacher namin sa Hekasi.

'Langya, parang lahat ng teachers ko ay pet siya. Expected ko na palagi ang ganitong scenario sa first day of classes kapag nagro-roll call. Sa totoo lang, 'di naman na kailangang itanong pa kung magkamag-anak kaming dalawa dahil sa unique naming apelyido, walang kaduda-dudang magkadugo kami! Sa mga ganitong sitwasyon, siyempre ay proud naman akong sumasagot ng "Tita ko po siya.". Sabay sasabihan naman nila ako ng "Sana ay kasing-talino at kasing-sipag mo rin ang tita mo, Mr. Quitiquit.".


Sikat si tita sa eskuwelahan kaya idol namin siyang magkakapatid at magpipinsan. Dala namin ang iisang apelyido kaya naman feeling namin ay ang tali-talino rin namin kapag may nakakausap kaming nakakakilala sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, dapat ay maging matalino rin ako para maging sikat din ako sa iskul. Kaya ayun, sinundan ko ang mga habits ni tita na sa tingin ko ay ang mga bagay na nagpatindi ng utak niya.

Sigurado akong sipag sa pag-aaral ang pangunahing dahilan upang maging mahusay at wala ng iba. Tulad niya, hindi ako nag-aabsent dahil ayokong may mami-miss na lecture sa klase. Nangangatog na ako kapag may mga topics na makakaligtaan. Walang talagang makakapigil sa aking pumasok. Kahit na walang baon ay okay lang basta nandoon ako sa classroom. Kahit na nilalagnat ay pinipilit ko pa ring bumangon, Aspilet lang ang katapat. Kahit na bumabagyo na ay pumapasok pa rin ako; kahit na bumabaha na at nagliliparan na ang mga yero ng kapitbahay namin ay nagmamadali pa rin akong pumasok. Nagagalit nga si erpats dahil ang lakas-laskas na ng ulan, nagbibihis pa rin ako ng uniform. Basta wala pang anunsiyo ng suspension of classes ang DECS, may pasok pa rin para sa akin.

May mga study habits din akong ginaya kay tita. Sabi niya, mas okay daw na mag-review sa umaga bago pumasok ng eskuwela. Mga madaling-araw, 'yung tipong uunahan mo ang tandang sa pagtilaok bago sumikat ang araw. Mas fresh daw kasi sa memory ang mga binabasa kapag ganito ang gagawin. Tuwing may mga quizzes at exams, isa ito sa mga sikreto kong ginagawa.

Isa pang sikreto ni tita na pampatalino ay ang pagkain ng mani habang nag-aaral sa gabi. Kahit na tinitigyawat ako sa bayag mani noong ako ay medyo nagbibinata na, hindi ako nawawalan ng supply nito. Growers, adobong mani, maning kalbo, at pati na rin ang paborito kog Choc Nut. Hindi ko alam kung ano ang meron sa peanuts pero mukhang may talab ito sa pagiging ismarte ko. May na-suggest pa nga siya sa akin dati na uminom daw ako ng "essence of chicken" kaya ako naman na parang naglilihi, pinahanap ko si erpats ng sabaw na pampatalino!

Hindi ko alam kung urban legend lang ang pagkain ng mani at paghigop ng sabaw na galing sa mga minasaker na kawawang mga manok dahil mukha naman talagang may epekto ang mga ito sa akin. Ang natatandaan ko lang na talagang may ka-weirduhan (o sadyang dahil bata pa nga kami noon) ay ng paglalagay ng libro sa ilalim ng unan para daw ma-absorb ng utak mo ang laman ng mga pahina nito. Pero huwag ka, sinubukan ko rin ito at hardbound algebra books pa 'yung ginamit ko ng ilang araw bilang preparasyon sa Math Quiz Bee na sasalihan ko.

Ayaw na ayaw ni titang binabatukan siya dahil nakakabawas daw ito ng laman ng utak. Subukan mong gawin sa kanya ito, magagalit siya at malamang pag-awayan niyo pa ang bagay na ito. Lahat naman siguro ng tao ay ayaw mabatukan dahil nakakababa ng pagkatao. May isang solusyon upang mabawi ang talinong nababawas kapag nababatukan. Tuktukin mo ng kamay ang iyong baba (chin) ng tatlong beses. Hipan ang palad. Isara ang mga ito na parang hinuhuli ang hininga. Itapat sa parte ng ulong nabatukan, at buksan ang mga palad para maihipan ang parteng apektado. Papalag ka ba? Huwag na, dahil gawain ko ito noong ako ay bata pa!

Epektib ang mga natutunan ko kay tita kaya nga noong ako ay magtapos ng elementarya ay nasungkit ko ang maging class salutatorian. Ang lufet 'di ba? At dahil dito ay sumikat rin ako sa aming Alma Mater. Hindi na pangalan ni tita ang itinatanong sa mga next batches ng Quitiquit na pumasok sa Camp Crame Elementary School. 

"Kaano-ano mo si Jayson Quitiquit?", heto na ang naging tanong sa mga kamag-anak ko!

Noong ako ay bata pa, gusto kong tumalino. Awa ni Bro, ito ay nagkatotoo.



0 Response to "...Gusto Kong Tumalino"

Post a Comment

Labels

airport (1) alatiris (1) ambon (1) anime (1) araling panlipunan (1) aratilis (1) araw (1) aso (1) autograph (1) ba-bye (1) bagong taon (1) bakasyon (1) bata (9) bible (1) bisperas (1) bubble wrap (1) buhay-bata (7) cartoons (1) childhood (17) classroom (1) coca cola (1) commercials (1) compatibility test (1) crush (1) dogs (1) drunken master (1) embarrasssing (1) eroplano (1) eskwela (3) estudyante (1) f.l.a.m.e.s. (1) farewell (1) field trip (1) fiesta carnival (1) films (1) flag ceremony (1) food (2) fort santiago (1) fun (1) gagamba (1) gagambang-bahay (1) gagambang-kuryente (1) gagambang-talahib (1) galleria (1) ghost stories (1) gold fish (1) habits (1) halloween (1) hekasi (1) holy week (1) isdang kanal (1) jackie chan (1) joey (1) jokes (1) juice concentrate (1) juice drink (1) kabataan (5) kanin (1) katis (1) kung-fu (1) kuto (1) kuwaresma (1) larong pambata (2) LBM (1) lisa (1) magandang gabi bayan (1) maghuli (1) martial arts (1) megamall (1) mgb (1) movies (1) NAIA (1) nayong pilipino (1) new year (1) noisy (1) noong ako ay bata pa (1) nursery rhymes (1) nutribun (1) pagkabata (1) paglaki (1) paputok (1) patawa (1) peksman (1) pet (1) pets (1) poems (1) profession (1) puppy love (2) recess (1) rj ledesma (1) robinsons (1) royal tru orange (1) school (6) school project (1) semana santa (1) shangri-la (1) sibika at kultura (1) slambook (1) snake in the eagle's shadow (1) snow (1) standing (1) styrofoam (1) styrosnow (1) sumpit (1) sumpitan (1) sunny orange (1) superbook (1) superhero (1) tag-ulan (1) talino (1) teevee (3) teks (1) the flying house (1) toilet (1) tradisyon (1) tula (1) urban legends (2)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...