Tayong mga Pinoy ay may kaugaliang magkamot ng ulo kapag nasisita ng ibang tao. Kahit huling-huli na sa akto ay magpapalusot pa rin kasabay ang pagkamot sa parte ng ulo na hindi naman talaga makati. Teka, baka nga naman talagang biglang nagre-react ang mga balakubak natin sa mga ganitong pagkakataon. O kaya naman ay nagiging parte lang talaga ng utak natin ang mga KUTO kapag gustong magsinungaling.
Lahat tayo ay ipinanganak na kalbo. Walang buhok, wala ring kuto. Ayon sa kanta ng grupong Weedd.
Hindi ko alam kung paano nagkakaroon ng mga kuto ang isang tao. Isa itong malaking palaisipan para sa akin tulad sa tanong kong "paano kaya nagkaroon ng isdang-kanal doon sa maruming estero at paano sila nabubuhay sa tubig na puno ng tae?". Sabi ng mga matatanda, nakukuha raw ang mga kulisap na ito kapag madalas kang nakabilad sa arawan. Kaya nga madalas kaming sabihan ni ermats na tigilan ang paglalaro sa mga lansangan lalo na kapag hapon kung kailan tirik ang araw. Kapag totoy at nene ka pa, walang kutong makati ang makapipigil sa sayang naidudulot ng teks, patintero, taguan, jolen, syato, agawan-base, at iba pang larong-pambata. Pero teka, kung ang araw ang nanay ng mga kuto, ibig sabihin ba nito ay kapatid sila ng mga bungang-araw?
Dahil hindi sinunod ang payo ng magulang, naging kaharian ng mga kuto ang aking anit.
Mahirap magkakuto lalo na kung isa kang batang lalaki. Malapit ka sa tuksuhan kapag nalaman ng mga kalaro - "kuto! kuto! kuto!". Away o gulo ang ending. Sa atin kasing mga Pinoy, ang pagkakaroon nito ay kadalasang iniuugnay sa mga batang babae. Siguro dahil sa mahahaba ang kanilang mga buhok na peyborit na pamugaran ng mga pesteng pulgas ng tao. Mayroon akong kaklaseng babae na talaga namang dugyot - parang christmas tree ang kanyang buhok na may nakasabit na mga lisa (ang itlog ng mga kuto). Madalas naming makita sa kanyang anit ang mga nagkakarerang mga kuto. Minsan naman ay may mga naliligaw pa sa kanyang leeg at batok. Ang malufet nito, hindi namin siya nakikitang nagkakamot ng ulo. Super immune na siya o kaibigan na niya ang mga kuto?
may mga panakot ang mga matatanda sa mga bata tungkol sa kuto. Sabi nila, nakakabobo raw ang mga ito dahil sumasama ang iyong mga brain cells sa dugong kanilang sinisipsip. Hmmm, kaya siguro laging nasa row four 'yung kaklaseng nabanggit ko kanina. Ang pinakamalufet na panakot na narinig ko sa buong buhay-bata ko ay "tatangayin ka niyang mga kuto kapag dumami na sila sa ulo mo.".
ermats: Jay, nabalitaan mo ba 'yung batang inilipad ng mga kuto niya?
ako: Hindi po.
Gagatungan pa ng tatay ko ang nakakatakot na balita.
erpats: Anak ng kumpare ko sa kabilang baryo 'yung batang 'yun. Kawawa nga eh.
Siyempre, hindi ko pa alam ang law of physics noon kaya naniwala naman ako kaagad. Ayokong matulad sa kawawang bata kaya inalam ko ang mga solusyon para puksain ang salot.
may mga panakot ang mga matatanda sa mga bata tungkol sa kuto. Sabi nila, nakakabobo raw ang mga ito dahil sumasama ang iyong mga brain cells sa dugong kanilang sinisipsip. Hmmm, kaya siguro laging nasa row four 'yung kaklaseng nabanggit ko kanina. Ang pinakamalufet na panakot na narinig ko sa buong buhay-bata ko ay "tatangayin ka niyang mga kuto kapag dumami na sila sa ulo mo.".
ermats: Jay, nabalitaan mo ba 'yung batang inilipad ng mga kuto niya?
ako: Hindi po.
Gagatungan pa ng tatay ko ang nakakatakot na balita.
erpats: Anak ng kumpare ko sa kabilang baryo 'yung batang 'yun. Kawawa nga eh.
Siyempre, hindi ko pa alam ang law of physics noon kaya naniwala naman ako kaagad. Ayokong matulad sa kawawang bata kaya inalam ko ang mga solusyon para puksain ang salot.
SUYOD. Ito ang espesyal na suklay na may mga ngipin na ang pagitan ay nasa 0.000113452 mm. Kadalasan ay kulay maroon. Kapag ginamit mo ito, kailangan ay may nakahanda kang puting telang gagamiting pansalo sa masusuyod na mga kuto. Exciting ito dahil makikita mong nagkakagulo sila sa binabagsakan. Dapat ay mabilis ang daliri mo sa pagtiris upang hindi sila makawala. Ang maiipon mong minasaker na mga kuto ay puwede mo nang isangag.
Hindi nakukuha sa simpleng pagsusuyod ang tunay na solusyon upang matepok ang mga kuto dahil hindi kayang suyurin ang mga maliliit na lisa. Ang ibang matatanda, nilalagyan ng KEROSENE ang anit ng batang may kuto. Taena, huwag ka lang lalapit sa apoy dahil siguradong may kalalagyan ka! Masyadong makaluma ito dahil meron namang mga special SHAMPOO na pamatay-kuto tulad ng ginagamit natin sa mga alaga nating aso.
Ang PAGPAPAKUTO sa mga nanay o lola ay ang pinakaayoko sa lahat. Sayang ang oras na ginugugol dito dahil nababawasan ang oras sa paglalaro. Ang hirap pa nito dahil kapag nagkamali ka ng puwesto, madali kang mapipingot!
Ang pagkukuto ay isang libangan ng mga unggoy. Meron kaming kapitbahay na may alagang matsing. Kapag ipinakita mo ang iyong ulo sa kanya ay automatic siyang maghahanap ng kuto sa iyong buhok. Nausukan ko na ito at mukhang epektibo. Ginaya ako ng kalaro ko pero hindi naging maganda ang resulta. Nagsisigaw siya sa sakit dahil sinabunutan siya ng tsonggo. Bading yata ang kamag-anak ni Kiko dahil ayaw niya ng mga batang babae!
Ang pinakamarahas na gagawin ng magulang sa problemadong anak ay ang PAGPAPAKALBO. Siyempre, kung wala ang pugad, walang maninirahang kuto. Ang kakilala kong si Alex ay nakaranas ng ganitong kalupitan. Ayaw na niyang pumasok sa eskuwela dahil sa gupit. Pagtatawanan daw siya ng mga kaklase. Nagalit ang nanay kahit na alam naman niyang kakaiba ang makakita ng kinalbong batang babae!
Noong ako ay bata pa, nagkaroon ako ngmga kuto sa ulo. Ito ang karanasang nagpapaalala sa akin ngayon na kailangang maligo araw-araw.
April 30, 2012 at 8:07 PM
Like! :P
~BP
www.kwentistablog.blogspot.com
May 31, 2012 at 12:13 PM
kuto? nammiss ko na mgkkuto?? sna nga mgkakuto ako?? kaso lng nakakalbo na ako?? decada 90 ahthigh