...Kinakarir Ko ang mga School Projects sa Hekasi

Sibika at Kultura. Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika. Araling Panlipunan. History.

Iba't iba ang tawag ngunit magkakabituka ang mga paksang pinag-aaralan.

Noong ako ay bata pa, nahilig ako kaagad sa mga aralin na ito dahil interesante para sa akin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating kultura at kasaysayan nating mga Pinoy.

One plus one? Magellan.

Two plus two? Lapu-Lapu.


Kahit na mathematics ang tanong, history ang isinasagot ko.

Sino ang pumatay kay Magellan? Si Lapu-Lapu.

Sino ang pumatay kay Lapu-Lapu? Hindi ako.

Sino nga?! Baka 'yung kusinero.


Ang mga school subjects na ito ay may kanya-kanyang school projects na dapat magawa para makakuha ng mataas na grado mula kay titser na mas mataas magbigay ng grade sa mga estudyanteng bumibili ng kanyang mga panindang yema.

Class, meron akong ipapagawang project sa inyo at ang deadline ng pasahan nito ay next week. Gamitan niyo ng short kokomban, ilagay niyo sa short na polder, at lagyan niyo ng fastener (potah, tumama rin sa pronounciation pronunciation!). 

Simulan natin sa mga basic requirements ni ma'am. Deadline, check - kailangang ipaalala kay ermats ang takdang araw para hindi makalimutan ang pasahan. Ang gagamitin na papel ay short bond paper, check - mas okay ang mga makikinis at mapuputing papel tulad ng sa Corona dahil mas presentable itong tingnan kumpara sa mga nabibili ng patingi-tingi sa pinakamalapit na suking tindahan. Short folder, check - dapat ay maging maingat ka sa size at kulay na gagamitin kung ayaw mong ibalik sa iyo ang pinaghirapan mong project. Lalagyan ng fastener, check - siyempre kailangan mo nito para hindi magkahiwa-hiwalay ang mga papel ng project na ipapasa mo. Bawal ang stapler at lalong mas bawal ang paste, glue, at masking tape na mga madalas kong gamitin noon dahil wala kaming puncher sa bahay.

Hindi porke't 'yun ang mga sinabi ng guro ay 'yun na 'yun. Hindi niya sasabihin na puwede mong lagyan ng plastic cover ang folder at pabango ang mga pahinang nakapaloob. Hindi niya rin sasabihin na gandahan mo ang lettering ng "Album in Sibika at Kultura". Ito kasi ang mga dagdag pogi points na nagpapataas ng grade na ibibigay niya. Maniwala ka sa isang titser's puwet.

Anu-ano ang mga naaalala mong proyekto sa mga asignaturang tinutukoy ko?

Para sa mga beginners na grade one, hindi mawawala sa Sibika at Kultura ang album na naglalaman ng  MGA PAMBANSANG SIMBULO NG PILIPINAS. Ang pambansang isda ay hindi galunggong kundi bangus. Hindi rin basketball ang pambansang laro natin kundi sipa. Kalabaw ang pambansang hayop natin at hindi ang mga askals na tae ng tae sa lansangan. Maya ang pambansang ibon noon at hindi ang mga kalapating mababa ang lipad. Si Gat. Jose Rizal ag kinikilalang pambansang bayani ng ating lahi. Ang "Bayang Magiliw" ay maling pambansang awit ng Pilipinas. At kung medyo tanga ka, maniniwala kang may pambansang kamao. Natatandaan ko kung paano pa ako naghanap ng mga litrato nito sa mga lumang diyaryo at magasin. Gupit dito gupit doon. Dikit dito, dikit doon. Tapos pagdating sa klase ay makikita ko lang ang klasmeyt na may dalang poster na nabili niya sa National Bookstore. Palibhasa sipsip at pumapakyaw ng maraming yema, binalewala ni titser ang mga panuntunan niya at sinabihan ang mokong ng "Very good!". Taenang buhay 'yan.

Naaalala mo pa ba ang MGA TOURIST SPOTS NA MATATAGPUAN SA PILIPINAS? Hindi rin ito pinakawalan sa listahan. Siyempre, dapat ay kasama ang dalawang itinuturing namin noon na kabilang sa Seven Wonders of the World (kahit na hindi naman talaga) - ang Mt. Mayon na may perfect cone shape, at ang Banaue Rice Terraces. Hindi rin dapat mawala sa album mo ang Pagsanjan Falls, Baguio City, Magellan's Cross, at Bantayog ni Pepe na matatagpuan sa Luneta. Natuto na ako noon kaya ang ginawa ko ay bumili ako ng mga postcards mula sa National Bookstore. Nang makita ni ma'am ang album ko ay sinabihan niya ako ng "Jayson, bakit ka bumili ng mga litrato? Hindi mo gayahin ang klasmeyt mo, ang galing at matiyagang mag-drawing.". Sa asar ko ay nilapitan ko ang sipsip kong klasmeyt na tagapakyaw ng yema at tiningnan ang kanyang album. Potah, mukhang doodles ng isang pre-schooler. Hello, nasa grade two na kaya kami noon!

Bandang grade three ay mga mukha naman ng MGA BAYANI NG PILINAS ang dapat kolektahin. Sikat talaga si Rizal dahil pangatlong beses na siyang nasasama sa aming mga school projects. Siya ang bayani ng mga bayani pero bukod sa kanya, dapat ay maalala rin natin ang ibang nagbuwis ng kanilang mga buhay para sa bayan. Kilala mo ba ang "Unang Bayani ng Pilipinas"; ang "Ama ng Katipunan"; ang "Dakilang Lumpo"; ang "Utak ng Himagsikan"; at ang "Tatlong Paring Martir"? Kung hindi mo sila kilala, marahil ay absent ka o kaya naman ay ipinagawa mo lang sa iyong nanay ang iyong school project. Hindi mo rin naranasang bumili sa National Bookstore ng mga larawan ng mga bayani na may maikling talambuhay sa ibaba.

Grade Four ay medyo higher level na. Bilang isang mag-aaral, dapat ay kabisado mo ang mga lalawigang napapaloob sa MGA REHIYON NG PILIPINAS. Dati ay kabisado ko ang mga ito pati ang kani-kanilang mga kabisera. Alam ko rin ang mga produktong inaangkat mula sa bawat probinsya. Dito rin papasok ang nauna kong project tungkol sa mga tourist spots ng bawat lugar. Medyo gumaling na akong magbakat gamit ang onion skin paper kaya hindi na ako bumili ng mga mapa ng bawat rehiyon na ibinibenta ng National Bookstore. Gumamit nalang ako ng mga bolpen at stabilo na may iba't ibang kulay upang maging kaakit-akit ang aking gawa.

Ang MGA PRESIDENTE NG PILIPINAS ay natatandaan kong kinolekta namin noong ako ay nasa ika-limang baytang. Katulad ng mga naunang proyekto, may mga instant pictures at postcards na mabibili sa Pambansang Bookstore ng Pilipinas. Magaling na akong gumuhit ng mga aso at pusa noon pero hirap na hirap akong mag-drawing ng mga tuta. Lalo na 'yung mga nakaupo sa gobyerno. Maiba ko lang, paano mo ba isasalin sa wikang Ingles ang "Pang-ilang presidente ng Pilipinas si Ferdinand Marcos?".

Hindi ko na maalala ang ginawa namin noong magtatapos na kami ng elementarya. Siguro dahil ay abala na sa pag-eensayo sa pag-akyat ng entablado.

Noong ako ay bata pa, kinakarir ko ang mga school projects sa Hekasi. Ngayong ako ay matanda na, hindi na ako nagtataka kung bakit yumaman ang National Bookstore.




2 Response to "...Kinakarir Ko ang mga School Projects sa Hekasi"

  1. Kalila Says:
    May 7, 2012 at 1:14 PM

    idagdag pa ang project sa mga iba't ibang anyong tubig at lupa

  2. Anonymous Says:
    July 17, 2013 at 3:09 PM

    haaay, nakaka miss ang ganitong project sa school... si papa pa noon ang nag letering ng title sa folder ko..

Post a Comment

Labels

airport (1) alatiris (1) ambon (1) anime (1) araling panlipunan (1) aratilis (1) araw (1) aso (1) autograph (1) ba-bye (1) bagong taon (1) bakasyon (1) bata (9) bible (1) bisperas (1) bubble wrap (1) buhay-bata (7) cartoons (1) childhood (17) classroom (1) coca cola (1) commercials (1) compatibility test (1) crush (1) dogs (1) drunken master (1) embarrasssing (1) eroplano (1) eskwela (3) estudyante (1) f.l.a.m.e.s. (1) farewell (1) field trip (1) fiesta carnival (1) films (1) flag ceremony (1) food (2) fort santiago (1) fun (1) gagamba (1) gagambang-bahay (1) gagambang-kuryente (1) gagambang-talahib (1) galleria (1) ghost stories (1) gold fish (1) habits (1) halloween (1) hekasi (1) holy week (1) isdang kanal (1) jackie chan (1) joey (1) jokes (1) juice concentrate (1) juice drink (1) kabataan (5) kanin (1) katis (1) kung-fu (1) kuto (1) kuwaresma (1) larong pambata (2) LBM (1) lisa (1) magandang gabi bayan (1) maghuli (1) martial arts (1) megamall (1) mgb (1) movies (1) NAIA (1) nayong pilipino (1) new year (1) noisy (1) noong ako ay bata pa (1) nursery rhymes (1) nutribun (1) pagkabata (1) paglaki (1) paputok (1) patawa (1) peksman (1) pet (1) pets (1) poems (1) profession (1) puppy love (2) recess (1) rj ledesma (1) robinsons (1) royal tru orange (1) school (6) school project (1) semana santa (1) shangri-la (1) sibika at kultura (1) slambook (1) snake in the eagle's shadow (1) snow (1) standing (1) styrofoam (1) styrosnow (1) sumpit (1) sumpitan (1) sunny orange (1) superbook (1) superhero (1) tag-ulan (1) talino (1) teevee (3) teks (1) the flying house (1) toilet (1) tradisyon (1) tula (1) urban legends (2)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...