Sabi ng mga matatanda, masuwerte raw ang makatapak ng tae. Iniiwasan daw ito kaya suwerte mo kung matapakan mo ang shit ng hindi sinasadya. Magkakapera ka raw sa araw na iyon.
Pero paano kung sa'yo nanggaling ang mabahong etchas? Ibig sabihin ba nito ay ikaw ang pinanggalingan ng suwerte? At suwerte rin bang matatawag kung ang buris na lumabas sa'yo ay hindi mo lang napigilan sa hindi inaasahang pagkakataon - of all places, sa ESKUWELAHAN PA.
Simulan na ang mabahong usapan. Paabot ng tissue please. Time space warp, ngayon din!
Noong ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Kampo Krame, naranasan kong pumirma sa slambook at isa sa mga iniiwasan kong tanong ng potang autograph book na iyon ay ang malufet na "What is your most embarrassing moment?". Nasa grade five at six na kami noong mauso ang slambook kaya kung sasagutin ko ang question na ito ng katotohanan, medyo fresh pa ang mga alaala. Nakakahiya talaga ang aking experience kaya ang sinasagot ko nalang dito ay "SECRET". Kapag may makulit namang ayaw ng "secret" na sagot, ang inilalagay ko nalang ay "yung time na nahuli akong nangungulangot" para naman "konting nakakahiya lang".
Grade 3 ako noon, uso pa ang mga lunch boxes dahil mga totoy at neneng pa kami. Pinabaunan ako ni ermats ng paborito kong hotdog sandwich na hindi nakalagay sa hotdog bun kundi sa dalawang pirasong tasty bread na may ketsup at mayonaise. Sa 'di ko malamang dahilan, imbes na paborito kong Zesto mango juice ang ka-partner ng tinapay, tinimplahan ako ng Anchor Milk at inilagay sa tumbler. Okay lang, sa loob-loob ko, parang katulad lang ng mga napapanood kong bata sa mga Amrican teevee series. Sosyal!
Recess time. Lamon. Ngasab. Lagok ng gatas. Pero teka, bakit parang medyo maasim 'yung panulak ko? Dedma nalang, kesa naman uminom ako sa water fountain na mahaba ang pila ng estudyante.
Balik sa klase, lecture. Maya-maya ay parang may mga biik na nag-iingay sa sa loob ng tiyan ko. Mukhang nagrerebolusyon sina small at large intestines dahil sa kinain ko. Kabag lang ito, uminom kasi ako ng gatas eh. Matapos ang isang subject, sumimple ako palabas ng silid at nagbuga ng masamang hangin. Next na subject, ganun pa rin ang nararamdaman ko, parang ang daming hangin sa tiyan ko kaya nagpaalam na ako kay teacher, "Ma'am, may I go out?". Utot ulit habang papunta ng kubeta. Mawawala na siguro itong kabag ko. Sumunod na subject, ganun pa rin ang pagwawala ng mga damuho sa loob ng tiyan ko. Sinubukan kong umutot ulit pero parang may naramdaman akong gustong sumamang tae palabas. Paksyet, hindi puwede ito! Kailangang tiiisin ko ito, malapit naman na ang uwian. Ang tumbong natin ay alam kong "voluntary muscles" na kayang kontrolin -"it's all in the mind", think of a happy thought. Pero taena, kahit anong pag-iisip ko kay Santa Claus na bibigyan niya ako ng malaking regalo sa Pasko, nagiging "involuntary" na ang puwet ko. Ayaw makisama at gusto ng pakawalan ang kung ano mang sama na nasa ka-loob-looban ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig at butil-butil. "Ma'am, may I go out?", kahit 'di pa pumapayag si teacher ay tumayo na ako at kumaripas ng takbo papuntang banyo.
Heto ang scenario sa isang public school - iisa o dalawa lang ang janitor/s namin kaya napakadami niyang time na HINDI LINISIN ang mga potang inidorong may mga yellow submarine at peanut butter filling. Pagdating ko sa CR, diretso ako sa cubicle number 1 - may mga taeng hindi nai-flush. PASS! Cubicle number 2 - mas maraming tae! Pass ulit, "I will take cubicle number 3 nalang po!". Mas marami ulit at ang tingin ko ay parang ilang taon na 'yung 'di nabubuhusan. 'Di ako nag-panic. Stayed calm. May isa pa namang CR malapit doon sa tapunan ng mga basura, 'dun nalang ako tatae. Pinuntahan ko 'yun pero parang itinadhana yata ni Bro ang araw na 'yun para matuto akong huwag uminom ng panis na gatas. Walang suwerte, puro tae! Habang tinititigan ko 'yung inidoro, umiiyak na ako kasi ayokong matae sa salawal pero ayoko rin namang mag-swimming sa dagat ng jerbaks!
No choice, kailangan ko na talagang iiri ang nararamdaman. Nagmadali akong hubarin ang shorts ko. Ang siste, ilang hakbang pa lang ang tinatahak ko papuntang trono ay may narinig akong "prrrooooootttt....." mula sa aking wetpaks. Bakit ba mas nagpupumiglas ang puwet natin kapag nakakakita na tayo ng inidoro? "Mamaa....", 'yun nalang ang nasambit ko at sinabayan ng iyak. Ilang minuto ang lumipas, wala na akong luha kaya naisip ko nalang na maghugas. Meron namang maruming tabo at maruming tubig na nasa loob ng maruming drum. Paglabas ko ng banyo, nakita ko ang isa kong klasmeyt at nagulat siya sa akin. Wala nga pala akong salawal dahil hinubad ko na. Buti nalang at abot malapit sa tuhod ang white t-shirt ko kaya natakpan ang aking pututoy.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi noong araw na 'yun. Pero natatandaan kong walang sumundo sa akin at naglakad pa rin ako pauwi mula Kampo hanggang bahay namin (mga fifteen-minute walk din 'yun). Sikat ako sa buong klase kinabukasan. Yehey! Galit na galit ako kay mama dahil sa gatas na tinimpla niya. Simula noon, ayoko nang uminom ng gatas maliban nalang kung ako ay nasa bahay.
Ang kuwento ko ay medyo "katanggap-tanggap" pa dahil ako lang naman ang nakakita sa aking mabahong pagkakalat. Sigurado ako, may mataeng karanasan ka rin noong nasa elementarya o pre-school ka pa - maaring ikaw mismo ang bida o ang isa sa mga klasmeyts mo.
May naranasan akong biglang bumaho ang silid-aralan kaya biglang sumigaw ng patanong si ma'am ng "Class, sino sa inyo ang tumae?!". Siyempre, wala namang aamin kaya isa-isa niyang aamuyin ang lahat. Presto, dahil sa malufet niyang ilong na may mga butas na malalaki, alam na niya kung sino ang tumae! Ang ganitong scenario ay hindi lang isang beses kong naranasan sa mga kamag-aral ko. Napakaraming beses sa classroom. Nandyan 'yung magsusumbong 'yung isa dahil tumae 'yung katabi. Iiyak dahil hindi naman daw. Pero kapag pinatayo, ayaw tumayo. Kapag tumayo naman, laglag ang itinatago! Meron namang pagkakataon na walang nagsumbong, walang nakaamoy pero biglang may hahagulgol. Doon nalang namin malalaman na may umiiyak dahil umaagos na ang tae niya sa kanyang binti papuntang medyas! Malas mo kung isa ka sa mga cleaners. Suwerte naman ng buong klase dahil suspended ang classes! Yipee!
May klasmeyt naman kaming natae habang flag ceremony. Sa mga ganitong pagkakataon, mahirap pigilan ang pagpupumiglas ng tumbong mo dahil "standing straight" kayo at hindi puwedeng umalis sa pwesto kapag kinakanta na ang National Anthem. Ang malas mo dito, buong eskuwelahan ang makakaalam ng baho mo. Kadalasan, mga isang linggong absent ang kawawang biktima!
Naaalala mo pa ba 'yung Humpy Dumpy na masarap pero amoy tae kapag kinain mo sa loob ng aircon bus? Akala namin ay may kumakain lang nito noong minsang mag-field trip kami kaso parang hindi nawawala ang amoy at habang tumatagal ay pabaho na ng pabaho ang buong sasakyan at nakakasuka na. At tulad ng dati, bigla nalang may iiyak ng malakas kapag may nabuko na.
Noong ako ay bata pa, natae ako sa eskuwelahan. Hindi ko ikinahihiyang ito ang aking "most embarassing moment". Dito ko natutunan ang pagiging maparaan sa panahon ng tawag ng kalikasan.
Flush.
August 14, 2011 at 9:13 AM
haha!nice!i also have a fair share of that "experience".buti nalang at nakisama yung ebs ko at di kumalat habang palabas ako ng classroom.ayun at madali ko ding nai-dispatsa.kasama nga lang yung brip ko,hehe!nagkanda-ipit ipit tuloy yung pututoy ko sa zipper ng pants ko..
August 22, 2011 at 2:27 AM
LMAO! Ako muntikan ng magkalat sa skul at high school na ako noon hahaha! Buti na lang magaling ako sa ipitan hahaha!
Magkakapera ako kasi nabasa ong post ngayon ay tungkolsa ebs haha! Sana! hahaha!
September 10, 2011 at 9:27 AM
wala akong experiences sa tae na yan pero ung classmate ko meron grade 2 ata ako nun o grade 3..
may isa akong kaklase na usisero/usisera na galing din ata sa C.R. at sinabi sa katabi ko na tumae napatae daw si edie, nagkagulo ang buong klase at naki-usyoso nadin ako.. at nagtataka ako sa knya nasa pinto n nga sya ng C.R. di pa sya tumuloy sa toilet yan tuloy humalo ang berde nyang tae sa puti nyang medyas.. :) nung sumunod na araw na pumasok na siya hinatid pa siya ng nanay niya at late siya pumasok..at nagtatago pa siya sa likod ng nanay niya. pero di namin siya tinawanan. :)
3rd year nko ngayon pero di ko pdin malimutan ung kaklase ko na un :) haha
October 30, 2011 at 12:11 AM
hahaha.....nakaka2wa na alala ko tuloy ung kaklase ko ng elem... he he..( san n kau un?)
October 30, 2011 at 12:24 AM
he he he natawa ako ng sobrang ang lakas ng tawa ko mag isa lang ako dto sa room naalala ko tuloy yung anak ko na natae sa school sinundo ko at dinalan ko ng extra clothes nsa cr lang sya at ayaw lumabas dahil nahihiya... he he he
November 12, 2011 at 2:23 PM
hahaha....nakakatawa k namang mgkwento wala akong ginawa habang binabasa ang article mo kundi tumawa lng ng tumawa...naalala ko tuloy c lovely,ang pinakamaganda s classromm namin nung grade 3 kmi...shempre half breed mukhang foreigner,andaming ngka-crush dun...tpos one time natae sha s classroom,next thing i saw,meron nang nakabalot n manila paper s puwitan nya all over her skirt..hahaha super minus ganda points sknya...grabe..
November 13, 2011 at 4:13 PM
Wahaha !!!! Can't stop laughing at this.. nice one Hehehe !!!
December 10, 2011 at 11:20 AM
hahahaa! sobra akong natawa dahil naaalala ko ang aking kahapon :) super fan mo na ako Nobenta, iba ka talaga gumawa ng blog!
December 24, 2011 at 8:57 PM
ang sakit ng tiyan ko sa katatawa...mukha akong tanga na umiiyak sa katatawa...panalo itong blog mo kaibigan! keep it up!
January 12, 2012 at 10:19 AM
My husband wonders why I keep on laughing....rofl, can't stop it....hahaha.
On the other hand, I do have the same experience, di nga lang sa school, on my way home, buti na lang at meron sagingan na pwedeng pag taguan.
March 2, 2012 at 9:56 AM
Ala ako experience na natae ako sa salawal o s eskwela pero may kaklase ako ako na natae sa room namin.. galit na galit ang titser namin kc natapat na kumakain sya ng miswa dat tym... ayaw pa umamin ng natae kong kaklase at tinuturo pa ang katabi nya.. pero ng pinatayo ng titser namin ayun kitang kita ang berdeng tae sa upuan...
nice blog tol...:)
April 30, 2012 at 2:08 PM
nice blog! sobrang nakakatawa :)
October 12, 2012 at 11:55 AM
Tae - inang usapan to naalala ko tuloy yung kaklase kong babae noong fourth year highschool natae rin sa room namin yung una akala namin utot pero yung tumatagal na at hindi na naglalaho yung amoy doon na pumiyok yungnisa naming kaklase na may tumae nagkagulo tuloy sa room namin pinatayo kami isa isa tumayo naman kami maliban sa kaklase naming babae na maputi at mahaba ang hair sayang maganda pa naman kaso tinamaan ng sumpa ng ebak...hanahah! Kudos No Benta nice one!!!!
November 1, 2012 at 11:09 PM
wahaha! solid laughtrip!
April 28, 2013 at 12:08 PM
bwisit! tawa ako ng tawa dito haha!
ang dami ko kasing memories about dyan. di lang sakin, pati na rin sa mga naging classmates ko. haha..
tandang-tanda ko pa yung 1st time na tumae ako sa school. grade 1 pa ko nun at sa teacher pa namin mismo ako nagpaalam na natatae ako. bwahahahaha