Sabi ng matatanda, puro kalokohan lang daw ang mapupulot sa mga cartoons na napapanood sa teevee.
Nang ipalabas sa GMA 7 ang dalawa sa mga pinakapaborito kong animated shows noong ako ay bata pa, nag-iba ang ihip ng hangin. Sino ba namang magulang ang hindi matutuwa kapag nalaman mong mga kuwento mula sa Banal na Biblia ang tinututukan ng mga anak mo sa telebisyon?
Unang ipinalabas ang "SUPERBOOK" sa Japan noong October 1, 1981 at nagtapos noong March 29, 1982 na may 26 episodes. Ito ay bumalik sa ere bilang "SUPERBOOK II" mula April 4, 1983 hanggang September 26, 1983 na may 26 episodes. Sa pagitan ng dalawang seasons ay ipinalabas naman ang "THE FLYING HOUSE" mula April 5, 1982 hanggang March 28, 1983 na may 52 episodes. Ang mga ito ay ginawa ng Tatsunoko Productions para sa distributor na Christian Broadcasting Network na nakabase sa Tate.
Sa Pinas, hindi ko alam ang eksaktong petsa kung kailan ito unang ipinalabas. Ang alam ko lang, mga bandang huling taon ng Eighties ito unang napanood ng mga kabataan at tumagal hanggang early 90's. Ganun kalufet ang mga cartoons na ito. Parang Batibot, nakakaadik. Kahit replay, papanoorin mo pa rin. Hindi ko rin matandaan kung ipinapalabas ba itong magkasunod o ipinapalabas ang isa sa umaga, at ang isa naman ay sa hapon.
Ah basta. Ang natatandaaan ko lang talaga, ang mga palabas na ito ang nagmulat sa akin sa mga kuwento mula sa Old at New Testaments.
Unahin natin ang "Superbook". Sa unang season, ang kuwento ay tumatakbo sa magkaibigang sina Christopher Peeper at Joy (wala siyang apelyido). Nakatuklas sila ng nagsasalitang libro na nagdadala sa kanila sa Bible time. Kasama nila sa adventure ang laruang si Gizmo na nagiging tunay na robot kapag sila ay nagta-time travel. Karamihan ng mga kuwento rito ay mula sa Hebrew Sciptures at lan sa mga paborito kong episodes dito ay ang mga kuwento nila Adan at Eba, Noah's Ark, Samson and Delilah, at ang death and resurrection of Jesus. Kahit na may mga konting pagbabago kumpara sa orihinal na mababasa mo sa tunay na Biblia, ganun pa rin ang mensaheng gustong iparating.
Dalawa ang versions ng opening theme ng Season One pero itong nasa ibaba ang pinakapaborito namin sa lahat. Sabay-sabay kaming kumakanta sa himig nito.
The light begins the journey that leads
to places far and wide so high
you just wont believe your eyes
(you cant!)
by and how the moon and ocean came to be
its all right here if you look superbook
as we all go flying away
stories about a man made of clay
and the garden that was bust in time
see the many mysteries
and wonders that will fill your mind
Superbook dont you know
its su-su-super!
keep along the rainbow and through the sky
to places far and wide so high
you just wont believe your eyes
(you cant!)
by and how the moon and ocean came to be
its all right here if you look superbook
as we all go flying away
stories about a man made of clay
and the garden that was bust in time
see the many mysteries
and wonders that will fill your mind
Superbook dont you know
its su-su-super!
keep along the rainbow and through the sky
Sa "Superbook II", naging "computerized" ang Bible nang ito ay mahulog accidentally sa keyboard. Hinigop ng sinaunang computer ang asong si Ruffles na sinundan naman ng pinsan ni Chris na si Uri (short for Uriah) kasama ang naging tunay na robot na si Gizmo. Supporting roles nalang sina Chris at Joy na tagapanood sa monitor ng mga nangyayari kina Uri. Ang mga kuwento rito ay mula Old Testament. Patok ito pero mas patok pa rin sa akin ang unang season.
Kung medyo "high-tech" ang Season Two ng Superbook, masasabi mo ring advanced ang technology ng "The Flying House" kung saan ang mismong lumilipad na bahay ay isang time machine. Dito siguro nakuha ang konsepto sa "Back to the Future". Hmmm. Ang kuwento ay tumatakbo sa paglalakbay nila Justin Casey, Angela "Angie" Roberts, Corkey Roberts, Professor Humprey Bumble, at ang robot na si SIR (acronym ng "Solar Ion Robot") sa panahon ng New Testament - mula sa kapanganakan ni John the Baptist hanggang sa pagdating ni Apostle Paul.
Tulad ng ng opening ng "Superbook", ang "The Flying House ay may malufet din na kinakanta-kanta namin.
The Flying House - Watch Online
We were having fun
Playing Hide and Seek
Then a Summer Storm appeared
Corky got afraid
When it started to rain
Then we came upon a house
Should we go inside? Now hide.
Come on with us you know
Lord who knows where
It's an adventure back in time
In the Flying House
You know it's great to fly
In a Flying House
I just want to get
Back home again
Noong ako ay bata pa, nanonood kami ng "Superbook" at "The Flying House". Ngayong ako ay matanda na, wala pa rin akong sawang sumusubaybay dito. Ito rin ang klase ng mga palabas na ipapanood ko sa mga anak ko upang lumaki silang punung-puno ng aral tungkol sa Biblia.
We were having fun
Playing Hide and Seek
Then a Summer Storm appeared
Corky got afraid
When it started to rain
Then we came upon a house
Should we go inside? Now hide.
Come on with us you know
Lord who knows where
It's an adventure back in time
In the Flying House
You know it's great to fly
In a Flying House
I just want to get
Back home again
Ang mga palabas na ito ay naging paborito ng mga bata ng aking henerasyon. Ito ay ang naging dahilan upang makakuha ang GMA ng mataas na rating sa teevee sa ganung time slot. Nakaisip ang network ng isang pakulong lalong magpapataas ang rating nito, ang SUPER KIDS CLUB. Kung isa kang die-hard fan ng mga cartoons na ito, siguradong member ka. Sa angkan namin, ang lahat ng mga bata noon ay kasali rito. Kapag member ka, padadalhan ka ng ID card, mini-book, at sticker na nagpapatunay na ikaw ay certified member! Tandang-tanda ko pa ang grand assembly nito na ginanap sa La Salle Greenhills. Na-postpone noong una dahil napabalitang may bagyo. Ang dami pa namang pumunta. Kaya ayun, halos kalahati nalang 'yung bumalik sa next date na ipinahayag. Sayang, ang saya pa naman!
nahanap lang sa internet
mula kay klasmeyt at barkadang Teta
mula kay NoBenta admin ヽ(*^ー^) VanillaSpice (^ー^*)ノ
mula kay pareng Corix Ronquillo
Noong ako ay bata pa, nanonood kami ng "Superbook" at "The Flying House". Ngayong ako ay matanda na, wala pa rin akong sawang sumusubaybay dito. Ito rin ang klase ng mga palabas na ipapanood ko sa mga anak ko upang lumaki silang punung-puno ng aral tungkol sa Biblia.
May 7, 2012 at 2:38 PM
member din ako ng Super Kids Club... nakakuha ako ng ID na nasa akin pa hanggang ngayon :D at yung sticker na katulad niyan
December 28, 2012 at 8:03 AM
abangan nyo ang new version 3d animated series nang superbook sa GMA this coming 2013... kayo siguro ang unanga makakaalam neto. abang! abang!
July 17, 2013 at 1:06 PM
ipinapalabas ito sa hapon after ng The 700 Club... nauna muna ang Super Book then The Flying House. ahihihi.. :-)