...Tropa Ko Si Giripit at Si Giripat

Isa sa mga mahirap makalimutan sa pagiging bata ay ang mga simpleng jokes na kahit na sobrang corny ay nagpasaya sa atin. Kung sabagay, mababaw lang naman talaga ang kaligayahan ko noon. Kahit na hanggang ngayong malaki na ako. Este, matanda na pala dahil hindi naman na ako lumaki at tumangkad. Mais na naman ang intro.

Ako: 'Tol, may tanong ako sa'yo. Dapat masagot mo ha.
Utol Ko: Ano 'yun?
Ako: Dalawang magkapatid lang si Giripit at si Giripat. Mas matanda si Giripit kaysa kay Giripat. Eh 
         namatay si Giripat, sino ang natira?


Mukhang napaisip si utol sa malufet kung puzzle.

Ako: Sirit? Gusto mo ulitin ko ang tanong?
Utol Ko: Si Giripit!
Ako: Okay, uulitin ko ha. Dalawang magkapatid lang si Giripit at si Giripat. Mas matanda si Giripit 
         kaysa kay Giripat. Eh namatay si Giripat, sino ang natira?
Utol Ko: Si Giripit!
Ako: Ang hina mo naman, uulitin ko ha. Dalawang magkapatid lang si Giripit at si Giripat. Mas 
         matanda si Giripit kaysa kay Giripat. Eh namatay si Giripat, sino ang natira?
Utol Ko: Si Giripit nga!
Ako: Ulit. Dalawang magkapatid lang si Giripit at si Giripat. Mas matanda si Giripit kaysa kay 
         Giripat. Eh namatay si Giripat, sino ang natira?
Utol Ko: Ang kulit mo, si Giripit nga! Si Giripit nga!
Ako: Ang kulit mo rin eh, inuulit ko naman na ang tanong. Dalawang magkapatid lang si Giripit at si 
        Giripat. Mas matanda si Giripit kaysa kay Giripat. Eh namatay si Giripat, sino ang natira?
Utol Ko: Si Giripit nga! Si Giripit nga! Si GIRIPIT!
Ako: Dalawang magkapatid lang si Giripit at si Giripat. Mas matanda si Giripit kaysa kay 
         Giripat. Eh namatay si Giripat, sino ang natira?
Utol Ko: Ah bahala ka sa buhay mo! Si Giripit nga! Si Giripit nga! Si GIRIPIT!

Sa asar ni utol, nag-walkout nalang. Ako naman, tinanong ulit siya ng malufet kong puzzle.

Ako: 'Tol, bago ka umalis...dalawang magkapatid lang si Giripit at si Giripat. Mas matanda si 
         Giripit kaysa kay Giripat. Eh namatay si Giripat, sino ang natira?

Mukhang tanga lang na parang sirang plaka. Hindi matatapos ang ganitong scenario hangga't hindi sinasabi ng pinagtatanungan ang magic answer na "Ang natira ay si Giripit".

Noong ako ay bata pa, tropa ko si Giripit at si Giripat.



2 Response to "...Tropa Ko Si Giripit at Si Giripat"

  1. Anonymous Says:
    April 28, 2013 at 9:29 PM

    sige repeat

  2. bata jepara says:
    January 5, 2022 at 6:25 AM

    terima kasih there and the rest

Post a Comment

Labels

airport (1) alatiris (1) ambon (1) anime (1) araling panlipunan (1) aratilis (1) araw (1) aso (1) autograph (1) ba-bye (1) bagong taon (1) bakasyon (1) bata (9) bible (1) bisperas (1) bubble wrap (1) buhay-bata (7) cartoons (1) childhood (17) classroom (1) coca cola (1) commercials (1) compatibility test (1) crush (1) dogs (1) drunken master (1) embarrasssing (1) eroplano (1) eskwela (3) estudyante (1) f.l.a.m.e.s. (1) farewell (1) field trip (1) fiesta carnival (1) films (1) flag ceremony (1) food (2) fort santiago (1) fun (1) gagamba (1) gagambang-bahay (1) gagambang-kuryente (1) gagambang-talahib (1) galleria (1) ghost stories (1) gold fish (1) habits (1) halloween (1) hekasi (1) holy week (1) isdang kanal (1) jackie chan (1) joey (1) jokes (1) juice concentrate (1) juice drink (1) kabataan (5) kanin (1) katis (1) kung-fu (1) kuto (1) kuwaresma (1) larong pambata (2) LBM (1) lisa (1) magandang gabi bayan (1) maghuli (1) martial arts (1) megamall (1) mgb (1) movies (1) NAIA (1) nayong pilipino (1) new year (1) noisy (1) noong ako ay bata pa (1) nursery rhymes (1) nutribun (1) pagkabata (1) paglaki (1) paputok (1) patawa (1) peksman (1) pet (1) pets (1) poems (1) profession (1) puppy love (2) recess (1) rj ledesma (1) robinsons (1) royal tru orange (1) school (6) school project (1) semana santa (1) shangri-la (1) sibika at kultura (1) slambook (1) snake in the eagle's shadow (1) snow (1) standing (1) styrofoam (1) styrosnow (1) sumpit (1) sumpitan (1) sunny orange (1) superbook (1) superhero (1) tag-ulan (1) talino (1) teevee (3) teks (1) the flying house (1) toilet (1) tradisyon (1) tula (1) urban legends (2)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...