...Naniniwala Ako sa Kapangyarihan ng F.L.A.M.E.S.

Masarap maging inlababo. Lalo na noong mga panahong bata ka pa. Kapag nasa ganitong stage ka, feeling mo ay napakasarap mabuhay sa mundo. Maaga akong na-in love. Nasa kindergarten pa lang ay may mga crushes na ako sa school. Gustung-gusto ko silang makita kaya naman ang sipag-sipag kong pumasok ng eskuwela. Akala ni ermats ay gustung-gusto kong mag-aral pero ang hindi niya alam, kaya ako hindi nag-aabsent ay para lang makita sa klase ang itinitibok ng aking puso. Naks!


Sa totoo lang, isa akong torpedo kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang panget ko kasi kaya wala akong confidence para manligaw. Ang nangyayari tuloy, puro ligaw-tingin lang. Hanggang panaginip at pangarap nalang.

Minsang nananaginip ako ng gising sa aming klase, kinulit ako ng klasmeyt ko. May ituturo daw siyang bagay para malaman ang kapalaran ko at ng aking kras. Isa raw itong tested na paraan para malaman ang compatibility ng dalawang tao. Para daw itong katulad ng ginagawa sa mga petals ng santan flower - "she loves me...she loves me not". Sa greek mythology at mga pelikulang "Matrix" at "300", malamang ay narinig niyo na ang oracle kung saan isinasangguni ang mga bagay-bagay. Sa kaso naming mga inlababo sa buhay, ang F.L.A.M.E.S. ang nagsisilbi naming oracle noong mga panahong iyon. Mabisa itong gabay kung itutuloy mo ba ang panliligaw at pambobola sa babaeng napupusuan mo. Ito ay acronym na ang ibig sabihin ay:

F = friends
L = love
A = angry / anger
M = marriage
E = enemy
S = sweetheart

Paano ba ito ginagamit? Simple lang naman. Una ay kumuha ng scratch paper. Isulat mo ang kumpletong pangalan mo. Sa ibaba ng pangalan mo ay isulat mo naman ang sa kras mo. Next step ay i-cross out ang mga letrang nagkakapareho kayo at bilangin. Kunin mo na rin ang total ng dami ng mga letrang nagkapareho kayo. Ang mga numbers na 'yun ang gagamitin para malaman ang iyong kapalaran. Kug ilan ang na-cross out, 'yun din ang ibilang sa letra ng F.L.A.M.E.S. Sampol, F (1, 7, 13), L (2, 8, 14)....gets mo na ba?

Para mas maliwanagan ka pa, heto ang ilan sa mga crushes ko noong ako ay bata pa. Unahin natin ng first crush ko noong ako ay nasa pre-school pa:

JAYSON QUITIQUIT      =  8 (love)
LUTH SHED HAMOY    =  6 (sweetheart)
                           TOTAL  =  14  (love)

Hmmmm....Parang okay ang resulta ha. Ilang taon kong itinago sa kanya ang feelings ko dahil ka-love team na niya si Rex Duranparang. Grade six lang niya nalaman na crush ko pala diya dati sa tulong ng slum book na pinapirmahan niya sa akin. Hindi sila nagkatuluyan ni Rex. Pareho na silang may asawa at anak. Ang tamis pa naman ng kanilang samahan.

Next ay ang nagpatibok sa puso kong torpe noong ako ay nasa fifth grade. Dahil hindi marunong manligaw, wala rin akong nagawa. Hanggang pangarap lang. Nililigawan pa siya noon ni Ericson De Guzman, ang bully ng aming batch. 

JAYSON QUITIQUIT              =   3 (angry)
MARY GRACE CEÑIDOZA   =  5 (enemy)
                           TOTAL          =  10  (love)

Aba, love din ha. Pero may iba siyang love. Broken hearted. Picture lang ang souvenir ko sa kanya noong graduation namin ng elementary.

Hay, hay, highschool. 'Di pa rin ako marunong manligaw. Mukhang mapili pa itong crush ko kaya hindi rin ako nakapagbigay ng da-moves. Pero naregaluhan ko siya ng ulo ni Sanrio, 'yung pillow na nabibili sa Gift Gate.

JAYSON QUITIQUIT      =  8 (love)
SHIRLEY GONZAL        =  6 (sweetheart)
                           TOTAL  =  14  (love)

Ganun din ang nangyari. Naging sila ni Alvin Apollo. Ang sakit ng pakiramdam noong nakita ko silang magka-holding hands with matching pa-sway-sway while walking. Marunong din naman akong mag-gitara at tumugtog ng kanta ng Green Day!

Ayoko na sanang maniwala sa F.L.A.M.E.S. dahil 'di naman nagkakatotoo 'yung hula sa akin. Pero magaling talaga si Lord, may tao Siyang ibibigay sa'yo para makasama mo habambuhay!

JAYSON QUITIQUIT     =   5   (enemy)
SHEILA MARIE CEPE   =   5   (enemy)
                           TOTAL  =  10  (marriage)

Kahit na marami kaming 'di pagkakaunawaan noong kami ay mag-nobyo pa lang, kami rin ni misis ang nagkatuluyan sa huli. Ito ang totoo! Sa ngayon ay biniyayaan na kami ng Wonder Twins at nagsasama kami ng masaya sa buhay na walang pag-aaway.

Noong ako ay bata pa, naniniwala ako sa kapangyarihan ng F.L.A.M.E.S.



5 Response to "...Naniniwala Ako sa Kapangyarihan ng F.L.A.M.E.S."

  1. Anonymous Says:
    September 10, 2011 at 8:56 AM

    wOw! matagal na pala yang F.L.A.M.E.S. na yan 90's pa pala meron na nyan ako kasi elementary ko na-disccover yan from a classmate din nung grade 5 ako pero ang tawag ay F.L.A.M.E.S L.O.V.E.
    2008 ako ng grade 5! :) kaso for sure wala na yan di na uso yan... :)
    ang ganda ng blog mo! :)

  2. Anonymous Says:
    November 1, 2011 at 4:13 PM

    haayyy!!nkakarelate din po ako sa blog mo Nobenta..prang bumabalik ung ala-ala ko nong elementary pko...pro,kgaya mo nong mga nging ka FLAMES ko d pa un natutupad,khit dn sa ultimate crush ko tlga..noon din pra kming aso't pusa,lage nag aaway...til now xa pa rin tlga ultimate crush ko khit mi kanya-kanya na kming bf/gf...pro,masaya na din ako 4 him kc sa ngaun,ok na kmi...;)tnx!

  3. Anonymous Says:
    November 3, 2011 at 6:16 PM

    i recall the show f.l.a.m.e.s. on abs-cbn back in 1997 and were also being shown on TFC then became a movie later on. in 2000, my cousins used this game on me with my gf at the time and i forgot the result but i'm going to try this esp now how to do it becoz of ur article. thanks

  4. jep says:
    January 13, 2012 at 11:28 AM

    At talagang kabisado pa yun mga names haha. sabagay ako din eh haha..crush ba naman...galinggg pre...

  5. Anonymous Says:
    May 22, 2013 at 6:23 PM

    wush di ako naniwala sa flames...

Post a Comment

Labels

airport (1) alatiris (1) ambon (1) anime (1) araling panlipunan (1) aratilis (1) araw (1) aso (1) autograph (1) ba-bye (1) bagong taon (1) bakasyon (1) bata (9) bible (1) bisperas (1) bubble wrap (1) buhay-bata (7) cartoons (1) childhood (17) classroom (1) coca cola (1) commercials (1) compatibility test (1) crush (1) dogs (1) drunken master (1) embarrasssing (1) eroplano (1) eskwela (3) estudyante (1) f.l.a.m.e.s. (1) farewell (1) field trip (1) fiesta carnival (1) films (1) flag ceremony (1) food (2) fort santiago (1) fun (1) gagamba (1) gagambang-bahay (1) gagambang-kuryente (1) gagambang-talahib (1) galleria (1) ghost stories (1) gold fish (1) habits (1) halloween (1) hekasi (1) holy week (1) isdang kanal (1) jackie chan (1) joey (1) jokes (1) juice concentrate (1) juice drink (1) kabataan (5) kanin (1) katis (1) kung-fu (1) kuto (1) kuwaresma (1) larong pambata (2) LBM (1) lisa (1) magandang gabi bayan (1) maghuli (1) martial arts (1) megamall (1) mgb (1) movies (1) NAIA (1) nayong pilipino (1) new year (1) noisy (1) noong ako ay bata pa (1) nursery rhymes (1) nutribun (1) pagkabata (1) paglaki (1) paputok (1) patawa (1) peksman (1) pet (1) pets (1) poems (1) profession (1) puppy love (2) recess (1) rj ledesma (1) robinsons (1) royal tru orange (1) school (6) school project (1) semana santa (1) shangri-la (1) sibika at kultura (1) slambook (1) snake in the eagle's shadow (1) snow (1) standing (1) styrofoam (1) styrosnow (1) sumpit (1) sumpitan (1) sunny orange (1) superbook (1) superhero (1) tag-ulan (1) talino (1) teevee (3) teks (1) the flying house (1) toilet (1) tradisyon (1) tula (1) urban legends (2)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...