...Inaabangan Namin ang Hallowen Special ng "Magandang Gabi, Bayan"

Noong tayo ay mga bata pa, napakadali nating disiplinahin. Isang sabi lang ni ermats ng "...may mamaw diyan!", ay matatakot na tayo at susunod na sa kung ano mang gusto niyang mangyari. Ngayong tayo ay matatanda na, pinipilit nating maniwala sa sinabi ni pareng Ely B. na "...wala namang multo ngunit takot sa asawa ko!" Tama, nakakalimutan nating may multo dahil sa busy-busy-han na tayo sa buhay na parang life; pero kapag malapit na ang undas ay bigla tayong binabalikan ng ating pagkabata upang takutin sa mga aswang, kapre, masasamang ispiritu, at kung anu-ano pang mga bagay na hindi natin mabigyan ng paliwanag.

Ano bang mayroon sa Halloween, All Saint's Day, at All Soul's Day? Bakit sa tuwing sumasapit ang okasyon na ito ay kailangan nating takutin ang ating mga sarili sa mga bagay na pinaniniwalaan nating nakakatakot? 

Sa teevee, halos lahat ng palabas kapag huling linggo ng Oktubre ay nakakatakot. Biglang ipinapalabas ang "Shake, Rattle, and Roll" na mayroon na yatang isandaang sequels. Halos lahat ng channels ay pare-pareho ang tema - ang walang-kamatayang nakakatakot na mga kuwento ng mga namatay na nagbalik sa mundo upang patayin sa takot ang mga taong 'di pa namamatay!

Isa sa mga naaalala ko sa tuwing sasapit na ang "Araw (Piyesta para sa iba) ng mga Patay" ay ang pananabik ng lahat sa "Halloween o Undas Special" ng "Magandang Gabi, Bayan", ang patok na patok na weekend program ni kabayan Noli De Castro noong Dekada NoBenta. Ang totoo, napakaraming mga dokyu at iba pang espesyal na pagtatanghal mula sa iba't ibang shows mula sa iba't ibang teevee channels pero wala yatang tumapat sa MGB pagdating sa ganitong klaseng presentation.

Parang isang tradisyon taon-taon, tutok ang lahat ng kabahayan kapag nagsimula na si Ka Noli sa kanyang "pananakot". Sa bahay namin, sama-sama kaming nanonood nila ermats, erpats, mga utol, at ng mga pinsan ko. Ang hindi manood ay matutuksong "duwag" kaya kahit umuurong na ang bayag ko sa takot ay pilit ko pa ring hindi ipinapahalata. Ang malufet nito, pinapatay pa ang ilaw habang nanonood para "mas feel" daw ang mga istorya. Paksyet, siguraduhin mo dapat na hindi ka uminom ng maraming tubig bago mag-MGB para hindi ka mag-banyo dahil tatakutin ka ng mga kasama mo kapag nagkataon!

Panalo sa boses ni Ka Noli. May kung ano siyang angkin na talento upang maramdaman mo ang lahat ng kanyang sinasabi. Napakaseryoso rin ng mukha kaya maniniwala kang totoo ang mga kuwento. Taena rin ang setting nila sa sementeryo na punung-puno ng mga tirik na kandila at usok mula sa fog machine. Biglang mawawala si kabyan na parang kaluluwa, biglang mapupunta sa kung saan. Potah, ayokong tumingin sa screen ng teevee dahil baka may makita akong multo sa mga nitso!

Anu-anong mga makapanindig-balahibong mga kuwento ang naaalala mo sa MGB?

Ako, napakarami pero ang mga paborito ko lang ang ibabahagi ko sa inyo - ilan sa mga napanood kong hindi nagpatulog sa akin ng ilang gabi at hindi ako binigyan ng lakas ng loob upang mag-isa ng ilang araw!

Ang BLACK LADY sa eskuwelahan. Dito nalaos ang babaeng nakaputi. Nakakatakot ang pagkakalahad kahit na ang re-enactment ginanapan ng mga di-kilalang actors. Ayon sa tsismis, bigla nalang nagpapakita ang Black Lady sa mga estudyante habang nagkaklase. Sa murang edad ko noon, parang ang naisip ko ay wala kang ligtas sa multo na ito dahil nagpapakita siya kahit maraming tao at kahit may araw pa. Ilang buwan din kaming hindi naghiwa-hiwalay ng mga kaklase ko sa pangambang baka makita namin ang itim na babae.

Ang MANANANGGAL. Simula ng mapanood ko ang pelikula ni Bistek, naniwala na akong may mga ganitong klaseng nilalang. Lalong pinatindi ng MGB ang paniniwala ko rito. Kahit sa lugar namin, natatandaan kong naglagay ng bawang ang mga bahay-bahay dahil sa paniniwalang may gumagalang manananggal. Kawawa naman ang isang probinsiya sa katimugan dahil sinasabing ito daw ang pinanggalingan ng aswang na ito.

Napanood ko rin 'yung tungkol sa mga BARANG. Ipinakita kung paano ginagamot ng isang albularyo ang isang "na-barang". Makikita mo sa teevee na ang mg ipis, alupihan, gagamba, at kung anu-ano pang mga bagay na galing daw sa mukha ng isang nabulungan na biktima. Naniwala rin ako sa barang dahil nagkuwento ang guro namin sa P.E. na naranasan na niya ito. Kaya mga bata, huwag basta-basta magmumura sa ibang tao, lalo na kung 'di mo sila ka-close, dahil baka magsisi ka sa huli.

Kapag mga re-enactments pa lang ang ipinapakita, medyo may matitira pang tapang sa panonood pero kapag mga actual videos na, unti-unti nang nagtatakipan ng mga mata ang manonood. Biglang nagtatabi-tabi ng malalapit ang mga totoy at nene. Pati ang mga magulang, nakakaramdam ng pagtaas ng balahibo.

Madalas na biktima ng mga MASASAMANG ISPIRITU ang mga estudyante sa isang liblib na paaralan sa probinsiya. Kuhang-kuha sa camera ang mga batang bigla nalang nawawala sa sarili at tila "na-possess" ng mga engkanto o kaluluwang pinaniniwalaang nakatira raw sa tinitirikan ng eskuwelahan. Nag-iiba ang kanilang mga boses at nagsasalita sila sa ibang wika. Lumalakas din sila at kailangang nasa apat na tao ang umalalay. Parang mga scenes sa "The Exorcist". Klasik.

Hindi rin ako pinatulog ng video nilang nagpapakita ng isang malabong imahe ng batang dumaan daw sa harap ng camera habang ang isang programa sa ABS-CBN ay nagbabalita. Potah, hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang eksenang ito.

May isang kakaibang tao naman silang ipinakita na marunong magpasayaw ng mga manikang papel. Hindi ko alam kung matatakot ako dito o mamamangha dahil parang magic.

Marami pang ibang nakakatakot na kuwento pero ayoko nang alalahanin dahil natatakot na ako habang ito ay aking isinusulat!

Noong ako ay bata pa, inaabangan namin ang "Halloween Special" ng "Magandang Gabi Bayan" upang makaramdam ng katatakutan. Ngayong matanda na, ang tanging multong alam kong dapat katakutan ng lahat ay ang multong gawa ng bawat sarili.







8 Response to "...Inaabangan Namin ang Hallowen Special ng "Magandang Gabi, Bayan""

  1. Anonymous Says:
    October 28, 2011 at 5:00 PM

    Haha! Naalala ko rin yang telekinesis, yung nagpapasayaw ng manikang papel. Kinilabutan ako dun nung bata pa ako!

  2. Bebekoh says:
    October 29, 2011 at 12:39 AM

    wow! natatandaan mo pa yun.. grabe! ako din, naalala ko nun ung special nila... scenes from Diplomat Hotel sa Baguio.. at iba pang, Baguio horror stories.

    Ung isa naman, field trip daw ng mga kabataan sa Corregidor. Sa mga pictures nila, di lang sila ang nandun.. it was scary. grabe makapanindig-balahibo talaga.

    Akala ko di na ako matatakot ng ganun ngayon... meron pa rin palang "really scary movies" katulad ng "Paranormal Activity". :P

    I miss MGB....

  3. Anonymous Says:
    October 29, 2011 at 5:36 AM

    naalala ko dati yung black lady na kinakalampag yung pintuan sobrang nakakatakot ngayon habang sinusulat ko to tumatayo balahibo sa kakaisip dun..


    Mabuhay ang MGB!

  4. Anonymous Says:
    October 30, 2011 at 12:48 AM

    before ko pa nabasa tong blog na to pinaguusapan na namin ng sis ko yun MGB at sobrang namiss ko talga yon..di ko makakalimutan yun isang episode na may nahagip yun camera nila na matandang babae na nakikisakay daw lagi sa bus..grabe pati yung mga black ladies nga na kwento at mga dwende

  5. bagotilyo says:
    November 25, 2011 at 7:47 PM

    sino bang hindi makakarelate dito sa edad ntin ..hahaha

    panalo ang ending -- > learning :)

  6. Anonymous Says:
    December 31, 2011 at 9:11 AM

    Naalala ko yung ininterview nila na babae na aswang daw. Kinuwento nung babae kung paano siya naging aswang (namana daw niya dun sa kamag-anak nila).

    Yung isa ko pang naalala yung babaeng nakakita ng prusisyon ng patay...sa hatinggabi. Ang nakakatakot pa dun, pumasok sa loob ng puno yung prusisyon.

  7. Anonymous Says:
    April 30, 2012 at 2:08 PM

    and here's another fan of MGB! :D

    nkakarelate ako..inaabangan ko talaga noon ang Halloween special ng MGB kaso para naman akong tinutorture kasi naman nagkakataon talagang ako ung maghuhugas ng pinagkainan namin tuwing magsastart na yung palabas. ang ending kilabot ang inabot ko, kasi naman naririnig ko pa lang yung mga kwento ni Kabayan, abot outerspace na yung na iimagine ko.

    nice blog bro!:)

  8. Anonymous Says:
    May 8, 2012 at 8:25 PM

    isama din natin ng ipakita nila ang eksena sa three man and a baby, kung saan may isang batang nakadamit ng pangunang panahon at nagmamasid sa mga bida sa pelikula. hanggang ngayon nangingilabot ako :)

Post a Comment

Labels

airport (1) alatiris (1) ambon (1) anime (1) araling panlipunan (1) aratilis (1) araw (1) aso (1) autograph (1) ba-bye (1) bagong taon (1) bakasyon (1) bata (9) bible (1) bisperas (1) bubble wrap (1) buhay-bata (7) cartoons (1) childhood (17) classroom (1) coca cola (1) commercials (1) compatibility test (1) crush (1) dogs (1) drunken master (1) embarrasssing (1) eroplano (1) eskwela (3) estudyante (1) f.l.a.m.e.s. (1) farewell (1) field trip (1) fiesta carnival (1) films (1) flag ceremony (1) food (2) fort santiago (1) fun (1) gagamba (1) gagambang-bahay (1) gagambang-kuryente (1) gagambang-talahib (1) galleria (1) ghost stories (1) gold fish (1) habits (1) halloween (1) hekasi (1) holy week (1) isdang kanal (1) jackie chan (1) joey (1) jokes (1) juice concentrate (1) juice drink (1) kabataan (5) kanin (1) katis (1) kung-fu (1) kuto (1) kuwaresma (1) larong pambata (2) LBM (1) lisa (1) magandang gabi bayan (1) maghuli (1) martial arts (1) megamall (1) mgb (1) movies (1) NAIA (1) nayong pilipino (1) new year (1) noisy (1) noong ako ay bata pa (1) nursery rhymes (1) nutribun (1) pagkabata (1) paglaki (1) paputok (1) patawa (1) peksman (1) pet (1) pets (1) poems (1) profession (1) puppy love (2) recess (1) rj ledesma (1) robinsons (1) royal tru orange (1) school (6) school project (1) semana santa (1) shangri-la (1) sibika at kultura (1) slambook (1) snake in the eagle's shadow (1) snow (1) standing (1) styrofoam (1) styrosnow (1) sumpit (1) sumpitan (1) sunny orange (1) superbook (1) superhero (1) tag-ulan (1) talino (1) teevee (3) teks (1) the flying house (1) toilet (1) tradisyon (1) tula (1) urban legends (2)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...