Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging "gullible" o ang katangiang "madaling maniwala". Hindi naman ito halata sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan pinaniwala tayo ng mga dayuhan kaya nasakop ang ating bayan ilang siglo na ang nakaraan.
Nagmula sa mga kaninu-ninuan ng ating lahi, hanggang ngayon ay nananalantay pa rin ito sa dugo ng bagong henerasyon ng mga Pilipino. Paanong mawawala sa atin ito kung mismong ang mga magulang natin at mga matatanda ang unang nagturo ng kaugaliang ito sa atin noong tayo ay bata pa?
Read more »
Bakit kapag naririnig o nababasa natin ang salitang "karnabal", may kakaibang saya tayong biglang nararamdaman o naaalala?
Bakit kahit na mangiyak-ngiyak na tayo sa mga nakakatakot o nakakalulang mga carnival rides na ating sinasakyan ay masaya pa rin tayo pagkatapos?
Bakit kahit gaano na tayo katanda, ang feeling natin ay bumabalik tayo sa pagkabata kapag tayo ay nagpupunta sa karnabal?
Read more »
Sabi ng mga matatanda, masuwerte raw ang makatapak ng tae. Iniiwasan daw ito kaya suwerte mo kung matapakan mo ang shit ng hindi sinasadya. Magkakapera ka raw sa araw na iyon.
Pero paano kung sa'yo nanggaling ang mabahong etchas? Ibig sabihin ba nito ay ikaw ang pinanggalingan ng suwerte? At suwerte rin bang matatawag kung ang buris na lumabas sa'yo ay hindi mo lang napigilan sa hindi inaasahang pagkakataon - of all places, sa ESKUWELAHAN PA.
Simulan na ang mabahong usapan. Paabot ng tissue please. Time space warp, ngayon din!
Read more »
Noong tayo ay mga bata pa, ang sarap ng pakiramdam kapag inlababo. Kaya nga naniwala tayo sa kapangyarihan ng
F.L.A.M.E.S. dahil gusto nating malaman ang kapalaran natin sa ating mga crushes (take note, naka-plural form). May isa pa akong bagay na alam para malaman kung may pag-asa ka sa taong napupusuan mo. Sikat na sikat ang paraang ito - ang makiusyoso sa mga nilalaman ng
SLAMBOOK.
Read more »