...Kabisado Ko ang "All Things Bright and Beautiful"

May kanya-kanya tayong paboritong tula. Mga tulang ibinibida kapag dumarating ang mga pagkakataong kailangang magyabangan. Noong tayo ay mga munting bata-batuta pa lang, nagsimula tayo sa pagkakabisado sa mga nursery rhymes. Madaling sabayan, madaling sauluhin.

Twinkle, twinkle little star, how I wonder why Jack and Jill went up the hill while London Bridge is falling down. Kailangang alam mo ito sa iskul kung gusto mong umuwi na may tatak na bituin ang iyong mga kamay.

Sa ating mga Pinoy, hindi mawawala ang aso mong alagang sobrang obese. May buntot pang mahaba na mukhang napapakinabangan rin ng mga tomador na mahilig gawing pulutan ang mga kawawang aw-aw. Kailan naging makinis ang mukha kung puno ito ng balahibo? O sige na, mahal mo na si Whitey at si Blackie. Kaya nga may gagong Kanong nagpakasal sa kanyang alagang bitch.

Ako'y tutula, mahabang-mahaba, ako'y uupo, tapos na po. Bow!

Sa dinami-rami ng mga tulang itinuro at pilit na ipinapakabisado ng ating mga mahal na guro, isa lang ang talagang tumatak sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit pero kahit ngayong wala na ako sa kalendaryo ay alam na alam ko pa rin ang mga taludtod nito. Nasa grade four yata kami noong una kong mabasa ang napakalufet na tulang ito ni Cecil F. Alexander. Teka, hindi siya Pinay ha, isa siyang Irish. Tandang-tanda ko pa kung paano ipinapaliwanag sa amin ni Mrs. Villaflor ang bawat berso ng "All Things Bright and Beautiful". Kahit sa murang mga isipan namin ay nakapagbigay kami ng opinyon sa kung ano ng ibig iparating ng may-akda sa kanyang obrang nagawa. Matapos ang ilang araw, isa-isa kaming tinawag ni ma'am upang i-recite sa harapan ng classroom ang pamosong tula. Siyempre, bida ang bawa't isa. May mga magagaling na tuluy-tuloy sa pagbikas dahil kabisadong-kabisado ang tula at mayroon namang halos batuhin na ni ma'am ng eraser dahil sa tagal ng pagtayo sa harapan at mabagal na inaalala mga taludtod nito.
All things bright and beautiful,
All creatures great and small,
All things wise and wonderful,
The Lord God made them all.

Each little flower that opens,
Each little bird that sings,
He made their glowing colors,
He made their tiny wings.

The rich man in his castle,
The poor man at his gate,
He made them, high or lowly,
And ordered their estate.

The purple headed mountains,
The river running by,
The sunset and the morning
That brightens up the sky.

The cold wind in the winter,
The pleasant summer sun,
The ripe fruits in the garden,
He made them every one.

The tall trees in the greenwood,
The meadows where we play,
The rushes by the water,
To gather every day.

He gave us eyes to see them,
And lips that we might tell
How great is God Almighty,
Who has made all things well.

Noong ako ay bata pa, kabisado ko ang "All Things Bright and Beautiful". Hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin ito at nagbibigay sa akin ng pananaw na ang lahat ng ginawa ng Diyos ay maganda.





4 Response to "...Kabisado Ko ang "All Things Bright and Beautiful""

  1. Anonymous Says:
    January 17, 2012 at 5:14 PM

    this poem reminds me of my Elementary days.. di ko makakalimutan ang tulang to dahil napatayo rin ako sa harap hanggang uwian dahil di ko narecite ng maayos ang tulang to. nakakamiss and teacher kong gumawa nito sakin. pero kahit tapos na ang lesson namin sa poem na 'to pinilit ko pa ring imemeorize. it took me 3 days to recite the poem completely.

    thanks for sharing this.

  2. ahlee says:
    February 13, 2012 at 9:30 PM

    kinder aq nung pina-recite to sakin sa auditorium ng mcdc sa malabon...c ms. rowena de leon teacher ko nun..xempre c mama un coach ko..nkkatuwa..gang ngaun memorize ko pa din...palipas n din aq sa kalendaryo...

  3. Anonymous Says:
    March 3, 2012 at 3:57 AM

    hahaha... recently my niece Christine recited this poem in her school... hahaha

  4. Unknown says:
    February 3, 2014 at 10:28 PM

    Idagdag mo yong "Signs in school" at saak yong "A boy's dream". Hahaha

Post a Comment

Labels

airport (1) alatiris (1) ambon (1) anime (1) araling panlipunan (1) aratilis (1) araw (1) aso (1) autograph (1) ba-bye (1) bagong taon (1) bakasyon (1) bata (9) bible (1) bisperas (1) bubble wrap (1) buhay-bata (7) cartoons (1) childhood (17) classroom (1) coca cola (1) commercials (1) compatibility test (1) crush (1) dogs (1) drunken master (1) embarrasssing (1) eroplano (1) eskwela (3) estudyante (1) f.l.a.m.e.s. (1) farewell (1) field trip (1) fiesta carnival (1) films (1) flag ceremony (1) food (2) fort santiago (1) fun (1) gagamba (1) gagambang-bahay (1) gagambang-kuryente (1) gagambang-talahib (1) galleria (1) ghost stories (1) gold fish (1) habits (1) halloween (1) hekasi (1) holy week (1) isdang kanal (1) jackie chan (1) joey (1) jokes (1) juice concentrate (1) juice drink (1) kabataan (5) kanin (1) katis (1) kung-fu (1) kuto (1) kuwaresma (1) larong pambata (2) LBM (1) lisa (1) magandang gabi bayan (1) maghuli (1) martial arts (1) megamall (1) mgb (1) movies (1) NAIA (1) nayong pilipino (1) new year (1) noisy (1) noong ako ay bata pa (1) nursery rhymes (1) nutribun (1) pagkabata (1) paglaki (1) paputok (1) patawa (1) peksman (1) pet (1) pets (1) poems (1) profession (1) puppy love (2) recess (1) rj ledesma (1) robinsons (1) royal tru orange (1) school (6) school project (1) semana santa (1) shangri-la (1) sibika at kultura (1) slambook (1) snake in the eagle's shadow (1) snow (1) standing (1) styrofoam (1) styrosnow (1) sumpit (1) sumpitan (1) sunny orange (1) superbook (1) superhero (1) tag-ulan (1) talino (1) teevee (3) teks (1) the flying house (1) toilet (1) tradisyon (1) tula (1) urban legends (2)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...