...Inaabangan Namin ang Hallowen Special ng "Magandang Gabi, Bayan"

Noong tayo ay mga bata pa, napakadali nating disiplinahin. Isang sabi lang ni ermats ng "...may mamaw diyan!", ay matatakot na tayo at susunod na sa kung ano mang gusto niyang mangyari. Ngayong tayo ay matatanda na, pinipilit nating maniwala sa sinabi ni pareng Ely B. na "...wala namang multo ngunit takot sa asawa ko!" Tama, nakakalimutan nating may multo dahil sa busy-busy-han na tayo sa buhay na parang life; pero kapag malapit na ang undas ay bigla tayong binabalikan ng ating pagkabata upang takutin sa mga aswang, kapre, masasamang ispiritu, at kung anu-ano pang mga bagay na hindi natin mabigyan ng paliwanag.

Ano bang mayroon sa Halloween, All Saint's Day, at All Soul's Day? Bakit sa tuwing sumasapit ang okasyon na ito ay kailangan nating takutin ang ating mga sarili sa mga bagay na pinaniniwalaan nating nakakatakot? 

...Nanghuhuli Kami ng mga Isdang-Kanal

Noong ipinasyal namin ni misis ang mga anak naming sina Paul at Xander sa isang mini-zoo sa Tagaytay ay nakita namin ang napakasaya nilang reaksyon nang makita ang mga isdang nasa loob ng mga hile-hilerang malalaking aquarium. Wala pa sa dalawang taon ang edad ng aming mga kambal na anak pero bakas sa kanilang mga mukha ang pagkabighani sa mga lumalangoy na mga nilalang. 

Para sa akin, walang taong nabubuhay o namuhay sa mundo ang hindi nahilig sa mga hayup na pamagat ng kanta ni Irma Daldal. Para sa karamihan, okay ang kumain ng isda dahil bukod sa hindi sila ma-cholesterol ay wala naman silang "feelings" (ayon ay Kurdt Kobain). Ang iba naman, sa sobrang hilig sa mga ito ay inaalagaan pa sila katulad ng pag-aaruga sa mga alagang aso. Sabi kasi nila ay nakakawala raw ito ng stress kapag nakikita mo silang tumititig sa'yo at parang may ibinubulong. Ang hindi lang natin alam, matagal na nilang sinasabi sa atin na "Taena niyo, pakawalan niyo kami rito!".

...May Alaga Akong Asong Mataba


Ang isang mag-anak ay parang hindi kumpleto kung walang alagang hayop sa bahay. Isa 'yan sa mga itinuro noong tayo ay nasa pre-school at elementary - kailangang merong "Muning" o "Bantay".

Bata pa lang ako ay mahilig na akong mag-alaga ng aso. Nasa grade one ako nang simulan akong bigyan ng mga tito ng mga tutang palalakihin. Noong una ay nagtataka ako kung bakit kapag medyo malaki na ang mga inalagaan kong tuta ay bigla silang nawawala. Sinasabihan lang ako ng mga matatanda na "...na-dognap 'yung aso mo". Wala na akong magawa kundi umiyak sa simula at pilit silang kalimutan. Hanggang sa isang araw pagkagaling sa eskuwela ay naabutan ko ang tito ko kasama ang kanyang mga sunog-bagang barkada na itinali sa  poste ang pinaalagaang aso sa akin. Kitang-kita ko kung paano nila hinataw ng baseball bat ang aso kong mataba hanggang sa ito ay mawalan ng buhay. Kalderetang aw-aw ang trip nilang pulutan sa panulak nilang Ginebra. Kaya pala galit na galit na tinatahulan sila ng mga aso sa lugar namin. Sabi kasi nila ay naaamoy ng mga aso ang mga taong kumakain ng aso.

May iba't ibang lahi ng aso. May maliit, may malaki. May pangit, may maganda. May mabalahibo, may parang nakakalbo. Ilan sa mga sikat na dog breed ay ang Chihuahua, German Shepherd, Labrador, Greyhound, Rottweiler, Dalmatian, at ang BULLSHIT na cross-breed ng Bulldog at Shih Tzu. Hindi namin binalak na mag-alaga ng mga mamahaling aso dahil mas mahal pa ang pagkain nila sa kinakain ng tao. Kaya nga ang baho ng kanilang tae at ihi. Hindi rin kasi sila magkakasya sa loob ng bahay namin kaya ang tanging mga naalagaan namin ay panay lahing Younghusband. May lahing taga-Antipolo, taga-Crame, at taga-Tarlac. In short, askals.

Labels

airport (1) alatiris (1) ambon (1) anime (1) araling panlipunan (1) aratilis (1) araw (1) aso (1) autograph (1) ba-bye (1) bagong taon (1) bakasyon (1) bata (9) bible (1) bisperas (1) bubble wrap (1) buhay-bata (7) cartoons (1) childhood (17) classroom (1) coca cola (1) commercials (1) compatibility test (1) crush (1) dogs (1) drunken master (1) embarrasssing (1) eroplano (1) eskwela (3) estudyante (1) f.l.a.m.e.s. (1) farewell (1) field trip (1) fiesta carnival (1) films (1) flag ceremony (1) food (2) fort santiago (1) fun (1) gagamba (1) gagambang-bahay (1) gagambang-kuryente (1) gagambang-talahib (1) galleria (1) ghost stories (1) gold fish (1) habits (1) halloween (1) hekasi (1) holy week (1) isdang kanal (1) jackie chan (1) joey (1) jokes (1) juice concentrate (1) juice drink (1) kabataan (5) kanin (1) katis (1) kung-fu (1) kuto (1) kuwaresma (1) larong pambata (2) LBM (1) lisa (1) magandang gabi bayan (1) maghuli (1) martial arts (1) megamall (1) mgb (1) movies (1) NAIA (1) nayong pilipino (1) new year (1) noisy (1) noong ako ay bata pa (1) nursery rhymes (1) nutribun (1) pagkabata (1) paglaki (1) paputok (1) patawa (1) peksman (1) pet (1) pets (1) poems (1) profession (1) puppy love (2) recess (1) rj ledesma (1) robinsons (1) royal tru orange (1) school (6) school project (1) semana santa (1) shangri-la (1) sibika at kultura (1) slambook (1) snake in the eagle's shadow (1) snow (1) standing (1) styrofoam (1) styrosnow (1) sumpit (1) sumpitan (1) sunny orange (1) superbook (1) superhero (1) tag-ulan (1) talino (1) teevee (3) teks (1) the flying house (1) toilet (1) tradisyon (1) tula (1) urban legends (2)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...