...Naglalaro Kami ng Styrosnow

Styrosnow, styrosnow
We believe in styrosnow
Styrosnow, styrosnow
We love to play in styrosnow
Pa-pom-pa-pum-pum-pum-pum-pum

It isn't very pretty
And it's not even cold
But when it falls from the factory
It's a wonder to behold

We just use our imagination
Because we have a lot
We know we shouldn't be so picky
Oh not when all we got is

"Styrosnow", from The Eraserheads' Fruitcake album

Noong ako ay bata pa, excited ako sa mga bagong appliances na binibili nina ermats at erpats. Hindi lang dahil sa may bago kaming sisirain kundi dahil na rin sa packaging ng kung ano mang gamit na binili para magmukhang bahay ang aming bahay.

Kapag ikaw ay munting bata-batuta pa, hindi ka basta-bastang puwedeng lumapit sa mga potang abubot na binili ng iyong mga magulang. Taglay mo pa kasi ang kakulitan kaya ang tingin nila sa'yo ay isang "siramiko" o taga-sira ng mga gamit!

"Wow, ang ganda ng teevee! Ang daming channels!"

"O anak, huwag ka munang lumapit diyan, manood ka nalang. O kung gusto mo anak, maglaro ka nalang muna sa labas kasama mga kapatid mo."

"Wow, ang laki ng bago nating frigidaire! Ma, puwede bang gumawa ng maraming ice candy sa freezer niyan?"

"Oo anak pero huwag mo munang galawin 'yan dahil bago pa. Maglaro ka nalang muna kayo sa labas ng mga kapatid mo."

"Wow, dambuhala ang washing machine natin at may spinner pa! Ang daming pindutan atsaka pihitan!"

"O anak, hindi 'yan laruan ha. Kakabili lang namin ng tatay mo niyan. Iba nalang ang paglaruan niyo ng mga kapatid mo."

At dahil sa walang-sawang paalala ni inay sa akin na maglaro nalang sa labas tuwing may bagong appliances, nadiskubre ko ang laman ng pinaglagyan ng mga taenang binibili nila na ayaw naman pahawakan sa aming mga bata. May mga puting bloke pala sa loob ng mga karton nito at ito'y tinatawag na styrofoam. Kapag ito ay kinaskas mo sa pader na magaspang ay may nalalagas dito na parang snow!

Tama si nanay, maglaro nalang sa labas ng bahay. Yinaya ko sina utol. Yinaya ko mga pinsan ko. Yinaya ko rin ang mga kapitbahy kong kalaro na magkaskas ng styrofoam sa pader namin. Siguradong matutuwa si inay dahil pangarap namin ang makaranas ng "white Christmas". Kaskas dito, kaskas doon hanggang sa mapuno na ng "niyebe" ang labas namin.

"Ma, may snow na sa labas ng bahay natin!"

"Lintek kang bata ka, anong kalat na naman 'yang ginawa mo?! Walisin niyo 'yan at pumasok na kayo dito sa loob. Manood nalang kayo ng teevee!"

"Ma, puwedeng pumindot sa sa remote control ng bagong teevee natin?"

"Hinde! Iba nalang ang pidutin at paglaruan niyo ng mga kapatid mo!"

At noon namin nadikubreng masarap palang pindut-pindutin hanggang sa pumutok ang mga bilog-bilog na bahagi ng bubble wrap!



1 Response to "...Naglalaro Kami ng Styrosnow"

  1. Anonymous Says:
    January 17, 2012 at 10:54 PM

    nice one... i like you blog sir....

Post a Comment

Labels

airport (1) alatiris (1) ambon (1) anime (1) araling panlipunan (1) aratilis (1) araw (1) aso (1) autograph (1) ba-bye (1) bagong taon (1) bakasyon (1) bata (9) bible (1) bisperas (1) bubble wrap (1) buhay-bata (7) cartoons (1) childhood (17) classroom (1) coca cola (1) commercials (1) compatibility test (1) crush (1) dogs (1) drunken master (1) embarrasssing (1) eroplano (1) eskwela (3) estudyante (1) f.l.a.m.e.s. (1) farewell (1) field trip (1) fiesta carnival (1) films (1) flag ceremony (1) food (2) fort santiago (1) fun (1) gagamba (1) gagambang-bahay (1) gagambang-kuryente (1) gagambang-talahib (1) galleria (1) ghost stories (1) gold fish (1) habits (1) halloween (1) hekasi (1) holy week (1) isdang kanal (1) jackie chan (1) joey (1) jokes (1) juice concentrate (1) juice drink (1) kabataan (5) kanin (1) katis (1) kung-fu (1) kuto (1) kuwaresma (1) larong pambata (2) LBM (1) lisa (1) magandang gabi bayan (1) maghuli (1) martial arts (1) megamall (1) mgb (1) movies (1) NAIA (1) nayong pilipino (1) new year (1) noisy (1) noong ako ay bata pa (1) nursery rhymes (1) nutribun (1) pagkabata (1) paglaki (1) paputok (1) patawa (1) peksman (1) pet (1) pets (1) poems (1) profession (1) puppy love (2) recess (1) rj ledesma (1) robinsons (1) royal tru orange (1) school (6) school project (1) semana santa (1) shangri-la (1) sibika at kultura (1) slambook (1) snake in the eagle's shadow (1) snow (1) standing (1) styrofoam (1) styrosnow (1) sumpit (1) sumpitan (1) sunny orange (1) superbook (1) superhero (1) tag-ulan (1) talino (1) teevee (3) teks (1) the flying house (1) toilet (1) tradisyon (1) tula (1) urban legends (2)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...