Sa panahon ngayon, hindi na kailangang pumunta ng lansangan upang maglaro ng mga “war games”.
Basta’t meron kang perang pang-arkila ng kompyuter sa internet shop sa inyong kanto ay pwede ka nang makipagbakbakan sa mga kalaban kasama ang iyong grupo. Hindi kailangang tumakbo ng totoo at pagpawisan; nasa bilis lang ng pagpindot sa teklada at sa mouse ang ikapapanalo ng iyong mga kakampi sa DOTA.
Noong panahon namin ay nasisikatan pa ng araw ang mga bata. Naranasan naming tubuan ng bungang-araw at mag-alaga ng mga kuto sa ulo. Kapag umuuwi kami ng bahay ay tiyak ang sermon ni ermats dahil sa baon naming libag na kuwintas at marusing na damit.
Tuwing hapon kasi at mga araw na walang pasok ay nagkikita-kita ang mga totoy at nene sa labas ng bahay upang magsaya sa pamamagitan ng mga larong-pambata. May mga larong isa lang ang taya at mayroon namang isang grupo laban sa iba. Mas gusto ko ang kampihan dahil ayokong maging balagoong mag-isa...

NANDITO ang buong kwento, mula sa pinakabagong site na tatakam sa panlasa niyo: