Ang aking lolo at lola sa side ni ermats ay naninirahan sa Hong Kong kasama ang pamilya ng mga tita ko na nanirahan doon noong mga unang taon ng dekada otsenta. Tuwing sila ay dumarating galing sa ibang bansa ay sumasama ako sa pagsundo sa kanila sa paliparan. Sa totoo lang, marami kaming magpipinsan kaya paunahan sa kung sino ang makakasama; iyak at hagulgol nalang ang maririnig mo sa kung sino ang papalaring maiwan nalang sa bahay. Masasabi kongh ibang-iba ang kultura nating mga Pinoy kapag may dumarating na kamag-anak galing ibang bansa dahil mismong pamilya ko ay naranasan ito. Aaminin kong dumaan din ang aming angkan sa puntong isang batalyon ang nagsusundo sa NAIA. Hapon pa ang lapag ng eroplano pero umaga pa lang ay nandoon na kami na punung-puno ng pananabik. Nakakita na ba kayo ng isang jeep na animo'y may outing dahil sa mga kaldero ng ulam at kanin na dala? Ganun kami kapag nagsusundo.
6
comments