Styrosnow, styrosnow
We believe in styrosnow
Styrosnow, styrosnow
We love to play in styrosnow
Pa-pom-pa-pum-pum-pum-pum-pum
It isn't very pretty
And it's not even cold
But when it falls from the factory
It's a wonder to behold
We just use our imagination
Because we have a lot
We know we shouldn't be so picky
Oh not when all we got is
"Styrosnow", from The Eraserheads' Fruitcake album
Noong ako ay bata pa, excited ako sa mga bagong appliances na binibili nina ermats at erpats. Hindi lang dahil sa may bago kaming sisirain kundi dahil na rin sa packaging ng kung ano mang gamit na binili para magmukhang bahay ang aming bahay.
Read more »
Kapag buwan na ng Mayo, panahon na ng tag-ulan. Sabi ng mga matatanda, mainam daw sa katawan ang maligo sa unang ulang bubuhos dahil nakapagpapagaling daw ito ng bungang-araw. Siguro nung mga panahong iyon ay puwede ka pang maniwala sa
urban legend na 'yun pero kung susundin mo ito ngayon, siguradong acid rain ang pagtatampisawan mo.
Read more »
Noong bata pa ako, alam ko ang kahalagahan ng mga salitang binibitiwan.
Hindi ko alam kung paano ko siya nakilala pero alam kong isang malufet na superhero si PEKSMAN. Kapag naririnig ko siyang binabanggit ng mga kalaro ko sa aming mga munting usapan, alam kong walang halong biro ang kuwentuhan.
Sino nga ba si Peksman?
Sa totoo lang, wala namang nakakaalam sa barkadahan namin noong mga panahong iyon kung sino talaga siya. Dahil sa may "man" ang huling bahagi nito, inisip kong isa siyang superhero na hindi ipinakilala sa grupo ng "Superfriends" na ipinapalabas noon sa RPN9. Siguro, dahil sa tindi ng kanyang kapangyarihan, takot sa kanya ang lahat ng super villains at lahat ng mga bidang may kapa at nakalabas ang brip. Kapag naririnig kong binabanggit ito ng mga tropa ko, naiisip kong isa siya sa mga tagapagligtas tulad nila Superman, Batman, Aquaman, Wonder Woman, at Plastic Man. Taena lang, wala naman si Plastic Man sa Superfriends pero napanood ko 'yung episode na nag-guest siya para hulihin 'yung dagang na-trap sa loob ng sinaunang gigantic computer na kasinglaki ng isang mansion sa headquarters ng mga superheroes.
Read more »
Sabi ng mga matatanda, madali raw malaman kung ano ang magiging propesyon ng iyong anak sa paglaki nila. Ito daw ay maaaring gawin habang sila ay mga sanggol pa lang na gumagapang at wala pang alam sa mundo. Mag-iwan ka raw ng mga bagay (na may kaugnayan sa mga trabaho) sa lugar na pinaglalaruan ng iyong chikiting. Ang unang bagay na kanilang dadamputin at paglalaruan ay ang kanilang magiging propesyon sa kanilang pagtanda.
Kung halimbawang may iniwan kang rosaryo at iyon ang dinampot ng iyong anak, may posibilidad na siya ay magiging isang alagad ng simbahan. Puwedeng maging isang pari o isang madre. Gustung-gusto ito ng mga nanay at tatay dahil ang sabi nila, ang mga batang ganito daw ang pinipili ay mabait sa kanilang paglaki kaya walang magiging sakit ng ulo! Noong bata pa ako, gusto ko talagang maging pari. Tadtad ng mga religious pictures ang loob at labas ng cabinet ko. Ngunit sa paglaki ay unti-unti akong tinubuan ng sungay kaya unti-unti ring nawala ang pangarap kong makapagdaos ng sariling misa. Hindi man lang nga ako naging isa sa mga sakristanas boys sa simbahan namin sa Crame tulad ng mga kababata ko.
Read more »